Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Allen Dizon Nella Dizon Fumiya Sankai

Allen Dizon supportive sa showbiz career ng anak na si Nella Dizon

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

THREE days ago ay nakita namin sa FB post ni Dennis Evangelista na natapos na ang shooting ng pelikulang “Apo Hapon” ng GK Production. Ito’y mula sa screenplay ni Eric Ramos at sa pamamahala ng premyadong direktor na si Joel Lamangan.

Ang pelikula na isang Rom-Com at historical film, ay pinagbibidahan nina JC de Vera at Japanese actress na si Sakura Akiyoshi.

Ang beauty queen/actress na anak ni Allen Dizon na si Nella Dizon ay isa sa tampok sa naturang pelikula.

Nasa casts din ng Apo Hapon sina Lianne Valentin, Fumiya Sankai, Jim Pebanco, Perla Bautista, Marcus Madrigal, Rico Barrera, Yoshiko Hara, Prince Clemente, at iba pa.

Nabanggit ni Nella ang role niya sa peliikula.

Aniya, “Ang role ko po sa movie na ito, ako po ay isang Igorot na asawa ni Fumiya.”

Kilala si Allen bilang multi-awarded actor, ano ang payong ibinibigay sa kanya ng dad niya?

Tugon ni Nella, “Sabi niya po sa akin, ‘Do your best, i-feel mo na ikaw iyong character… study the script, study kung paano sasabihin ‘yung lines mo, all about details, all about the little things na may kinalaman sa character mo.’ Iyon po ang sinasabi niya sa akin.

“Hindi naman niya ako pine-pressure, pero he always tells us to do our best.”

Nabanggit din ni Nella na supportive ang kanyang dad sa showbiz career niya. “Yes po, he’s very supportive po sa aking showbiz career,” masayang sambit ng panganay na anak ni Allen.

Incidentally, matapos manalo bilang Mutya ning San Fernando last May, lalaban naman si Nella sa Mutya ning Kapampangan sa darating na December. Goodluck Nella!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …