MATABIL
ni John Fontanilla
WALA nang balak tumakbo sa politika si Yorme Isko Moreno kahit na nga marami ang nagsasabi na malaki ang chance nito na mag-number one kqpag tumakbong senador.
Ayon kay Yorme Isko, retired na siya sa pagiging politiko at mas gusto niyang bigyang-oras ang kanyang pagiging artista at ngayon ay isa na ring host via Eat Bulaga.
Halos kalahati ng kanyang buhay ay ibinigay na niya sa politika, kaya ngayon naman ay ang showbiz ang kanyang pagtutuunan ng pansin. At ngayon nga ay nagagawa pa rin niyang tumulong sa kanyang segment sa Eat Bulagaang G sa Gedli na pumupunta sila sa iba’t ibang lugar para tumulong sa ating mga kababayan.
Bukod sa pagiging host ng Eat Bulaga ay dapat pakaabangan ng mga supporter nito ang kanyang gagawing teleserye sa GMA 7.