Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagtalakay sa pork barrel scam, tuloy-tuloy sa The Bottomline

TATALAKAYIN ng The Bottomline With Boy Abunda ngayong Sabado (Setyembre 28) ang matinding epekto sa sistema ng politika sa Pilipinas ng kontrobersiyal na priority development assistance fund (PDAF) o mas kilala sa tawag na pork barrel.

Sa pagpapatuloy ng The Pork Barrel Interviews special, makakaharap ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda ang Bayan Muna Representative na si Neri Colmenares upang ipaliwanag ang mga isyu sa likod ng P10-B pork barrel scam na umano’y pinangunahan ni Janet Lim-Napoles.

Sino ang mga dapat managot sa isa sa pinaka-kontrobersiyal na kaso ng korupsiyon sa bansa? Totoo ba na PDAF ang tunay na habol ng mga politiko sa kanilang pagpasok sa gobyerno?

Sa palagay ni Rep. Colmenares, posible bang makulong ang mga senador at kongresista na sangkot sa mga ilegal na transaksiyon at paggamit ng pera ng taubayan?

Makialam sa mga usaping panlipunan at huwag palampasin ang ikatlong linggo ng The Pork Barrel Interviews special ng 2013 USTv Awards Best Public Affairs Talk Showna The Bottomline With Boy Abunda ngayong Sabado, pagkatapos ng Banana Split. Para sa karagdagang updates, mag-log on sa www.abs-cbn.com o sundan ang @abscbndotcom sa Twitter.

Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …