Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wowowillie, matamlay kapag wala si Willie

ILANG days din na non-appearance si Willie Revillame sa kanyang noontime show na Wowowillie sa TV5. Pansamantala si Randy Santiago ang nag-host kasama nina Mariel Rodriguez, Joy Viado, Cacai Bautista, Divine Lee at iba pa.

Pero parang matamlay ang show kapag wala si Willie, medyo pahinga siya at inaasikaso ang mga finishing touch ng kanyang Wil’s Tower dahil nagbukas na ito last September 18. Napakaganda ng tower. Ngayon, ‘pag dumaan ka ng gabi, ang liwanag, sindido de araòa talaga kaya hindi matatakot kapag naglakad ka sa gabi. Kahit daytime ang ganda, maaliwalas. Katapat ng mataas na building ang audience entrance ng ABS-CBN.

Ilang days na lang ang airing ng Wowowillie. Pero masaya na ulit ang audience lalo ang mga contestant ng games dahil si Willie na ulit ang host. If we know, may big plans si Willie at mabilis na magbabalik ere ang kanyang show.

Bagong season ng Who Wants to be a Millionaire?, mas exciting

KAINGGIT si Arthur Guilas ang mapalad na winner sa pilot episode ng comebacking show ng Who Wants To Be A Millionaire sa TV5 last Saturday na napalunan ang P400,000. Napaka-plastik ko naman kapag sinabi kong ‘di ako naiinggit. Inggit na inggit kaya, kasi maraming gamot ang mabibili ko para sa aking sakit ‘pag maraming datung.

Pero ‘ika nga, swerte-swerte ‘yan at destiny at gusto ni Lord Jesus. Pero ang saya ng audience, happy sila dahil balik hosting si Bossing Vic Sotto, eh, ako nga tuwing nakikita ko si Bossing Vic sa Eat Bulaga show niya, type ko siya i-kiss sabay hug. Take note lalong pumogi si Bossing sa kanyang pagbabakasyon. Original sa ere ang game show na  Who Wants To Be A Millionaire.

Mas exciting na ang laro this season dahil may dalawang money tree na ang pagpipilian, ang classic money tree at high risk money tree. Ang high risk money tree ang ginamit ng contestant kaya siya nanalo ng malaking premyo o sa pilot episode. Mayroon ding panibagong lifeline na pwedeng gamitin, ang Double Dip. Kapag nagkamali ka ng sagot, may chance pang magbigay ng tamang sagot.

Basta watch kayo ng game show ni Bossing Vic, Sundays, 7:00 p.m.. Isa sa mga TV5 top rated shows.

Letty G. Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …