Thursday , May 8 2025
Ruffy Biazon Muntinlupa ARISE ARTA

Munti LGU ginawaran ng ARISE

NANGUNA ang Muntinlupa local government unit (LGU) sa pitong iba pang lungsod sa mga recipient ng Accelerating Reforms for Improved Service Efficiency (ARISE) Awards bunsod ng pagpapabuti ng mga serbisyo ng pamahalaan.

Tumanggap ng pagkilala ang pamahalaang lungsod ng Muntinlupa mula sa Anti-Red Tape Authority (ARTA) dahil sa innovative business registration.

Ayon kay Muntinlupa City Mayor Ruffy Biazon, patunay ang nasabing pagkilala ng commitment ng lungsod na maghatid ng serbisyo publiko sa mga Muntinlupeño.

Ang Business One-Stop Shop (BOSS) ng lungsod at ang electronic format nito na eBOSS ay naglalagay sa mga ahensiya sa iisang lokasyon para sa aplikasyon ng permits at business licenses.

Naglunsad din ang lungsod ng Business Permits and Licensing Office Single-Window Transaction (BPLO-SWiT) Program na layong mapalapit ang pagbabayad ng buwis at registration services sa mga negosyante.

Maaari rin mag-renew ang mga business owner ng kanilang permit sa Muntinlupa City Hall, at sa pamamagitan ng online gamit ang kanilang Business E-payment System na makikita sa website ng lungsod. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

PNP CIDG

P1.1-M ilegal na produkto mula Korea nasamsam
DAYUHANG NEGOSYANTE, 2 EMPLEYADO ARESTADO

SA DIREKTIBA ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil na pahusayin ang pag-iwas sa krimen …

Sara Discaya

Sarah Discaya sa mga Pasigueño: Piliin ang mga pinunong inuuna kayo

PASIG CITY — Nanawagan ngayong araw si mayoral candidate Sarah Discaya sa mga Pasigueño na …

Bulacan Police PNP

7 wanted persons tiklo sa manhunt operations

NASAKOTE ang pitong wanted na indibiduwal sa magkakahiwalay na operasyong isinagawa ng Bulacan PPO mula …

Norzagaray Bulacan police PNP

Sa Norzagaray, Bulacan
PUGANTE NASUKOL SA PINAGTATAGUAN DERETSO KALABOSO

NAGWAKAS ang matagal na panahong pagtatago nang tuluyang mahulog sa kamay ng batas ang isang …

Comelec

Comelec “All systems go” sa eleksiyon sa Lunes

“ALL SYSTEMS GO” na ang Commission on Elections (Comelec) para national and local elections (NLE) …