Ang Beauty Queen na si Herlene Budol ba ang pinariringg ng businessman at social media personality na si Wilbert Tolentino?
Nag-post kasi sa kanyang Facebook account si Wilbert ukol sa nakapapagod at mga taong ungrateful.
Post ni Wilbert, “Nakadadala tumulong sa tao na hindi marunong mag value sa taong may pagmamalasakit at ang worst ay ungrateful asal pinapakita at laging pabalang sumagot. nakaka[suka] ang ugali mo.”
Bukod sa pagiging ungrateful ay bastos pa ito at pabalang kung siya’y sagutin.
“Hindi ka mag tatagal sa [industriya] sa asal na meron ka! Kahit saan ka pa lumipat.
“Binitbit mo lang problema mo sa bago mong pakikisamahan. Sorry at indi ko na kaya e defend pag uugali at cover up ang tunay mong kulay. Nakakalungkot sabihin pero real talk po eto.”
Marami sa mga netizen ang nag-react at humula na ang beauty queen-comedienne na si Herlene ang tinutukoy ni Wilbert.
“Ito ang simula ng kanyang paglagapak bilang squamy na nakaka allergies ang hirap talaga minsan nagkaka attitude pag meron nang break kakalooka.”
“These past few days di na nag popost si sir wilbert ng support niya kay Herlene for the past few days.”
“ganyan n cguro tlga ugali nya..ndi n yan mababago lalo p cguro ngyun
mejo tumaas taas n..pero ndi yan mkkrating s tuktok babagsak at babagsak yan dahil s ugali nya.just saying,” dagdag pa ng isa.
Isa si Herlene sa mga talent na hina-handle ni Wilbert.