MATABIL
ni John Fontanilla
NAGBANTAY at nakatutok ang aktres na si Cristine Reyes sa kanyang amang isinugod kamakailan sa ospital.
Kasalukuyang nasa taping noon si Cristine nang makarating sa kanya ang balita na isinugod sa ospital (World Citi Medical Center) ang kanyang daddy Mitring, kaya naman labis itong nag-alala at napaiyak.
Post nga nito sa kanyang social media account kasama ang larawan ng kanyang ama, “Pinag-alala mo ko. Namaga mata ko tuloy hindi matakpan ng make-up sa taping. Salamat sa mababait na mga kasama ko sa taping at inalagaan din nila ako ng walang pagtatanong.”
May makabagbag na mensahe rin ang aktres para sa kanyang ama, “I know I am blessed because of you, Daddy. You raised me well. Sorry kung masyado akong busy Daddy. You know i’m always here for life. Mahal kita.”
Maraming netizens ang pinusuan ang post na ito ni Cristine dahil naantig ang kanilang puso sa sobra-sobrang pagmamahal ng aktres sa kanyang ama.