I-FLEX
ni Jun Nardo
MALUNGKOT ang showbiz dahil sa pagpanaw ng veteran broadcast journalist ng TV Patrol na si Mario Dumaual.
Beterano na si Mario sa pagbabalita sa entertainment TV kaya naman marami rin siyang scoops at interviews sa mga manonood.
Bukod kay Mario, pumanaw na rin ang dating showbiz columinist turned sportswriter na si Nap Gutierrez.
Magkaiba nga lang ang pagpanaw nila. Sa sakit pumanaw si Mario at marami ang gustong magbigay ng tulong sa pamilya niya para sa hospital bills.
Samantalang si Nap eh malungkot ang pagkamatay na ayon sa ibinalita ni Manay Lolit Solis eh sa facility ng DSWD pumanaw na siyang nagpalibing din.
Sa mga may nakakakilala kay Nap, nakaranas siya ng kasikatan lalo na noong panahon ng player na si Alvin Patrimonio. Naging bahagi rin siya ng talk show ni Inday Badiday at nagkaroon din ng sariling programa.
Sa nangyari kay Nap, sabi ni Manay Lolit, matutong mag-ipon habang nabubuhay para hindi makaranas ng hindi maayos na pagpanaw sa mundo.
Nakikiramay kami sa mga naulila nina Mario at Nap.