Monday , December 23 2024
MMDA
MMDA

Akademya para sa riders suportado ng MMDA

NAKATAKDANG buksan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang Motorcycle Riding Academy (MRA) sa 3rd quarter.

Sa isinagawang inspeksiyon sa kasalukuyang construction site sa Meralco Avenue (malapit sa kanto ng Julia Vargas), sinabi ni MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, 80% ang natapos ng Academy.

Ani Artes, handa na ang mga pasilidad para sa Motorcycle Riding Academy at may ilang bagay lang na kailangang ayusin at mula roon, ito ay bubuksan na sa publiko.

Dagdag nito, ang mga container van na ginamit noon bilang COVID-19 quarantine facility ay gagawing silid-aralan para sa akademya.

Ang akademya ay magkakaroon din ng clinic, comfort at shower rooms, at dining area para sa kaginhawahan ng mga interesadong mag-avail ng dalawang araw na pagsasanay nang libre. Ang akademya ay kayang tumanggap ng 100 kalahok bawat batch.

Sasagutin ng ahensiya sa mga mag-eenrol sa akademya ang mga motorsiklo at ang gasolina nito. Kailangan lang magdala ng sariling helmet at personal protective gear ang mga rider.

Nagpasalamat si MMDA chief sa mga katuwang sa pagkonsepto ng motorcycle riding academy tulad ng Government Service Insurance System (GSIS) sa pagpayag na gamitin ng MMDA ang bakanteng ari-arian, Honda Motors Philippines sa pagtulong sa teknikal na aspekto ng kurikulum, at Mr. Dashi Watanabe para sa refresher training course ng mga tauhan ng ahensiya na magsisilbing tagapagsanay para sa akademya.

Nakipag-ugnayan ang ahensya sa Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) para sa accreditation ng motorcycle riding course, gayondin sa mga ride-hailing firms para bigyan ng priority ang trabaho sa mga course completers.

“Sana, mabago natin ang pag-iisip ng mga motorcycle rider-graduate ng akademyang ito at gawin silang mga motoristang disiplinado,” pahayag ni Artes. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …