Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Marjorie Barretto Julia Barretto Diego Loyzaga

Marjorie naiyak kay Julia: You were amazing, raw and natural

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

AMINADO si Marjorie Barretto na numero uno siyang kritiko ng kanyang anak na si Julia pero noong Martes, sobra-sobra ang naramdaman niyang tuwa at pagka-proud sa kanyang anak matapos mapanood ang pelikulang Will You Be My Ex? ng Viva Films na pinagbibidahan ng dalaga kasama si Diego Loyzaga.

Umatend si Marjorie kasama ang isa pa niyang anak sa red carpet premiere ng Will You Be My Ex? at idinaan nito ang pagka-proud sa anak na si Julia sa kanyang Instagram at doo’y sinabi kung bakit siya sobrang natuwa sa pelikula at kakaiba ang naramdaman niya. Nakalimutan pa nga niyang anak niya ang pinanonood dahil sobra siyang nagalingan.

I have had the privilege of being present in all of Julia’s premier nights for her movies for several years now. Last night was different,” panimula ni Marjorie sa caption na inilagay kasama ang solo picture ni Julia nang rumampa sa red carpet premiere.

Watching their new movie ‘Will You Be My Ex’ I came not really knowing what to expect. But from the beginning I started to forget I was watching my daughter.”

“You were AMAZING, raw and natural in this movie Jul,” pagpuring komento ng ina. 

At dito’y nasabi rin niyang napaiyak siya ni Julia. “Believe me when I say that I am Julia’s worst critic. Her anxiety from premier nights is coming from what my feedback would be. But you made me cry with this one, Jul. Big time!”

Pinapurihan din ni Marjorie si Diego, “Your onscreen chemistry with @diegoloyzaga was a pleasant surprise for all of us watching. Galing mo, Diego!”

“You would think from the title that this is just a light romcom… but boy will you be surprised! You will leave the theater with a new and fresh perspective about break ups, letting go and moving forward… with grace #selflove Everyone can relate,” ani Marjorie. 

Sinagot ni Julia ang post ng ina at sinabing, “Thank you mom [face holding back tears emojis].”

Samantala, ukol sa magka-live-in partner na sina Chris at Joey ang pelikula na nagkahiwalay at nagkatagpo muli na sa muling pagkikita ay may nangyaring hindi dapat mangyari.

May ilang eksenang nakagugulat. Tulad ng pagbandera ng katawan ni Julia habang naka-bra at panty lamang habang nakahiga sa kama dahil katatapos lamang nilang magniig ni Diego.

Matindi rin ang kissing scenes ng dalaga na talagang tumodo si Julia sa pakikipaglaplapan kay Diego.

Tawag pansin din ang galing sa pagiging komikero ni Divine Aucina na BFF ni Julia sa pelikula. Siya ang nagdala ng katatawanan at talaga namang agaw-eksena sa ilang tagpo.

Hindi ito ang unang pagkakataong nagkatrabaho sina Julia at Diego. Nagsama na sila sa Petrang Paminta ng Wansapanataym at Mirabella.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …

Tonton Gutierrez im perfect

Tonton sobrang humanga sa mga bidang may Down Syndrome: Ang husay nilang umarte  

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez INAMIN ni Tonton Gutierrez na nasorpresa siya sa galing ng mga kasama nilang …

Bianca de Vera

Bianca ‘di inaasahan pagdagsa ng blessings

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez TAMPOK si Bianca de Vera sa huling Star Magic Spotlight presscon ng taon-ibinahagi niya ang …

TobaccOFF NOW

TobaccOFF NOW! Pre-Screening Event pangungunahan ng mga kabataan 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez DALAWAMPU’T LIMANG kabataang filmmakers mula sa buong bansa ang maglalahad ng …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …