MATABIL
ni John Fontanilla
PARANG nasa cloud nine si Poppert Bernadas, alaga ni Ogie Alcasid nang maka-duet ang Asia’s Song Bird na si Regine Velasquez sa kanyang awiting Bitaw.
Kuwento ni Poppert, “Hindi ako makapaniwala after ng recording namin. Umiyak talaga ako pag-uwi ko ng bahay kasi sino ba naman ang mag-aakala na makaka- duet ko si songbird.
“Isa talaga sa tinitingala at hinahangaan kong singer si Miss Regine kaya dream come true at isang napakalaking karangalan.
“Napaka-suwerte ko kasi dream ng lahat ng singers sa Pilipinas na maka-duet siya, and I will be forever grateful kay songbird sa pagpayag niya na makasama ako sa kantang ‘Bitaw.’
“Sana ‘pag dumating ‘yung time na mabigyan ako ng pagkakataong magkaroon ng concert ay makasama ko siya at maka-duet.
“Kaya sobrang nagpapasalamat ako sa manager ko na si Sir Ogie Alcasid, kasi siya ang rason kung bakit naka-duet ko si Ms Regine, maraming-maraming salamat sir Ogie,” masayang sabi ni Poppert.
Bukod nga sa busy schedule niya sa promotion ng kanyang single na Bitaw ay makakasama rin siya siya sa musical play na Rama, Hari na mapapanood sa September.
At ngayong buwan naman ay magtutungo siya kasama ang grupo ni Maestro Ryan Cayabyab para sa isang malaking konsiyerto sa Singapore.