Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bernie Batin Daniel Padilla

Masungit na tindero sa socmed na si Bernie Batin handang ibigay ang lahat ng paninda kay Daniel Padilla

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

MALAYONG-MALAYO na talaga ang naabot ng pinakamasungit na tindera sa social media, si Bernie Batin. Aba naman, mula sa pagtitinda ngayo’y nakapagpatayo na siya ng isang napakalaking bahay na pinapangarap lang niya noon.

Nakausap namin ang social media influencer na si Bernie nang ilunsad ang kanyang single na Utang Mo habang naka-drag queen sa Music Box kamakailan.

“First time kong mag-rag dahil ang ami kong napapanood ngayon at ang daming sumisikat na drag queen. So parang gusto kong i-try. After ko mag-make-up, ang ganda ko pala,” nakangiting pagbabahagi ni Bernie.

Ang debut single niyang Utang Mo ay ukol sa taong mahilig mangutang na pagkaraan ay hindi naman marunong magbayad. 

Anyway, sa pagpatok ng content niya sa kanyang YouTube, iyon ngang masungit na tindero ng kanyang sari-sari store, na may over 5 million ng followers at 40 million sa Tiktok nakapagpatayo siya ng bahay at dumami na ang kanyang paninda.

Pero wala raw siyang balak palakihin ang tindahang iyon na itinayo niya nang mag-OFW siya para sa kanyang mga magulang.

Hindi ko nilakihan kasi mahihirapan ang inang ko na magtinda eh parang libangan na lamang nila iyon,” anito na nagtrabaho sa Qatar simula 2002 hanggang 2014.

Ani Bernie, may mga naipundar na siya mula sa pagtatrabaho abroad. “Mayroon akong naipatayong maliit na bahay at mayroon akong lupain.”

At nang sumikat siya online, nakapagpatayo na siya ng malaking bahay at ipinagpatayo niya rin ng bahay ang kanyang kapatid. 

Patok ang content ni Bernie. Marami ang natutuwa sa kanya kaya naman million ang subscribers niya. Dahil sa ganitong content, natanong si Bernie kung sino ang isang gwapong aktor na gusto niyang bumili sa kanya.

Aniya, “In case po na may isang artista na ibibigay ko lahat ng  paninda ko, wala pong iba kundi si Mr. Daniel Padilla. 

“Bukod po kasi sa isa siyang napakagaling na aktor, siya rin po ay masasabi kong perpekto. cComplete package po siya na-idolize ko po siya as an actor po,” dagdag pa ni Bernie.

Wala naman na siyang planong magkaroon ng karelasyon. Ang gusto lamang niya ngayon ay ang tumulong sa pamilya niya. “I admire good looking people but I dont make a move. Hanggang ganoon lang ako, hindi ako nagpi-flirt, ini-ignore ko na lang,” sabi pa ni Bernie.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Janna Chuchu

 International Global Achievers Awards 2025 matagumpay

MATABILni John Fontanilla WELL attended ang katatapos na pagbibigay parangal ng International Global Achievers Awards 2025 na ginanap …

Will Ashley

Will Ashley kayang magmahal ng walang hinihintay na kapalit 

MATABILni John Fontanilla GAME na game na sinagot ng isa sa hottest young actor ngayon …

MMFF Parade

Parade of Stars sa Dec 19

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Samantala, sa December 19, 2025 (Friday) naman magaganap ang Parade of Stars sa …