Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Judy Ann Santos Boy Abunda

Juday ‘di pinangarap sumikat, gusto lang makabili ng rubber shoes at magkaroon ng bank account 

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

ALIW kami sa kuwentuhan nina Judy Ann Santos at Boy Abunda. All out kasi ang tsikahan ng dalawa at siguro’y dahil matagal-tagal na rin naming hindi napapanood ang aktres sa telebisyon.

Pasabog ang pag-amin ni Judy na hindi niya pinangarap na maging Soap Opera Queen t sumikat ng bonggang-bonga.

Aksidente lng daw kasi ang pag-aartista niya dahil sumasama-sama lamang siya noon sa kuya niya, kay Jeffrey Santos na siyang artista na. 

Ani Juday kay Kuy Boy sa show nitong Fast Talk with Boy Abunda, walong taon siya nang pasukin ang showbiz.

“It all started with commercials. Si Kuya (Jeffrey) naman talaga ‘yung talagang kinukuha, sumasabit lang ako. Siya talaga ‘yung kinuha ng Regal Films and ako mahilig akong sumama sa kanya,” pagkukuwento ng tinaguriang batang superstar.

“Wala, I just wanted to buy a Mighty Kid rubber shoes,” nangingiting pag-amin pa nito kay Kuya Boy.

“Gusto ko lang bumili ng rubber shoes, magkaroon ng bank account. Totoo Tito Boy gusto kong makita ang sarili ko sa TV pero hindi nakaplano ever ‘yung maging sikat.

“Hindi ko talaga inisip or pinangarap na gusto kong maging sikat na sikat na artista,” aniya pa.

At nang nakapasok na nga siya ng showbiz, nangarap naman siya ng bahay at lupa at kotse. 

“Gusto kong makabili ng bahay, gusto kong makabili ng sasakyan, at gusto kong makapag-aral. ‘Yun lang ang alam kong gusto ko,” ani Judy Ann.

At saka lamang niya nagustuhan ang showbiz o pag-arte nang tuloy-tuloy na ang pagsabak niya sa paggawa ng pelikula at teleserye.

Siguro kaya ako nag dire-diretso kasi nag-eenjoy ako sa ginagawa ko, sa experiences ko. Marami akong taong nakikilala,” katwiran ni Juday.

Pero ang talagang naging daan para makilala at sumikat siya ay nang magbida sa ABS-CBN drama series na Mara Clara kasama si Gladys Reyes.

At nang gawan na ng movie version ang Mara Clara, nagsunod-sunod na ang pagdating ng iba pa niyang proyekto.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …