Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kit Thompson Ana Jalandoni

Ana Jalandoni handang makatrabaho si Kit Thompson 

MATABIL
ni John Fontanilla

BLOOMING at napakaganda nang humarap sa entertainment press and vloggers  si Ana Jalandoni sa mediacon ng The Revelation kamakailan.

Ayon kay Ana, okey na okey na siya ngayon mula sa kontrobersiyang kinasangkutan  last year with his ex-boyfriend, Kit Thompson. Diyos ang kinapitan niya sa madilim na sandali ng kanyang buhay.

Ayon nga kay Ana, “Pray-pray lang three times a day…“

At ang isang rason kung bakit happy at blooming ito ay dahil mayroon siyang bagong hobby. “Ano bang blooming? Ano lang, ahhh, siguro dahil mayroon akong bagong hobbie, nagmo-motor ako ngayon. 

“So kung wala akong trabaho, either mag-out of town ako, mag-out of country, nagmo-motor ako.”

Pero inamin ni Ana  na magkaibigan na silang muli ni Kit, pero hangang doon na lang at walang balikang magaganap at wala na silang communication sa isa’t isa.

At kahit nga nagkaayos na sila ay tuloy na tuloy pa rin ang demandahan sa kanilang dalawa, at hindi nito iuurong ang demanda sa dating katipan.

“Hindi! Tuloy siya! Oo, tuloy siya, continue siya! Bale kasi alam ko, nag-file siya ng ano, eh… tapos, binigyan siya ng judge ng probation. So, na-accept ng judge… kaya I think naman binigyan siya ng pagkakataon.”

At dahil okey na sila ay willing na makatrabo ni Ana si Kit sa pelikula. 

“Oo nama,  oo naman, siyempre naman. Maybe in the future, ‘di ba? Depende sa istorya, magaling na aktor si Kit. Ako, hanga ako sa kanya.”

Ang isa pang nagawa nitong pelikula ay ang The Morning After na idinirehe ni Xian Lim na sa susunod namang ipapalabas sa mga sinehan.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …