MATABIL
ni John Fontanilla
MARAMI ang nalungkot sa biglang pagpanaw ni John Regala, (John Paul Guido Boucher Scherrer) sa edad 55. Isa rito si Sen Robin Padilla na tiyuhin ng yumaong aktor.
Pumanaw si John dahil sa atake sa puso at komplikasyon sa atay at bato.
“Inna Lillahi wa inna ilayhi raji’un Natapos na ang matapang mong pakikibaka sa iyong karamdaman.
“Malalim na pasasalamat sa New Era Hospital at sa Iglesia ni Cristo na Hindi bumitaw sa pag aalaga kay Ginoong John Regala. Hanggang sa mga oras na ito ang kapatiran ng INC ang nag aasikaso sa katawan ng aking pamangkin.”
Unang nakilala si John noong 80’s nang maging bahagi ng TV show na That’s Entertainment ng yumaong German “Kuya Germs” Moreno.
Ilan sa ‘di malilimutang pelikula ni John ang Primitivo Ebok Ala: Kalaban Mortal ni Baby Ama, The Vizconde Massacre: God, Help Us! at Batas ko ay Bala.