Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kris Aquino Bimby Josh

Kris sobrang miss na si Joshua, gamutan sa US tuloy pa rin

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

RAMDAM namin ang sobrang pagka-miss ni Kris Aquino sa kanyang panganay na anak na si Joshua lalo’t kaarawan nito at hindi siya kasama nito. Ipinagdiwang ni Joshua ang kanyang ika-28 kaarawan.

Ipinahatid ng Queen of All Media ang kanyang mensahe sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kalakip ang larawan ng anak. Sinabi ni Kris kung gaano niya sobrang nami-miss ang binata dahil matagal na rin silang hindi nagkikita at nagkakasama dahil na rin nagpapagamot siya sa Amerika na ang kasama ay ang bunsong anak na si Bimby.

Mensahe ni Kris, “Kuya, I miss you and i love you so much… you’re where you want to be, surrounded by so many who love & care for you.

“Yesterday was only the 4th time in 1 year of being in the (American flag) that mama went to a mall because i wanted to be the one to choose your new clothes. I’m so proud of you!”

Sinabi rin ni Kris kung gaano kadisiplinado ang kanyang binata na halos nakabawas ng 20 lbs.

“Because of your discipline, jogging & swimming everyday, you’ve already lost more than 20 pounds.”

Hindi naman nakalimutan ni Kris ang regalong tiyak na ikatutuwa raw ni Joshua na matatanggap nito sa pagdating ng isang special person para personal na maiabot ang mga regalo niya. Hmm, sino kaya iyon? HIndi kaya si Batangas Vice Mayor Mark Leviste ang tinutukoy ni Kris na magdadala ng kanyang mga regalo?

Ani Kris, “Some people who love & miss you from here + 1 super special person will arrive in a few days to personally bring home all your gifts.

“Kuya, I wish i could join them, but mama needs a year & a half minimum of treatment because my latest blood panel confirmed i have 5 autoimmune conditions.

Sa huli hiniling ni Kris kay Joshua na makasama ito sa kanyang kaarawan at sa Kapaskuhan.

“Mama will need to semi-isolate in 3 weeks because my immunity already went down. You promised me you’ll spend Christmas up to my birthday here. Please keep praying for all of us?

“Happy Birthday to our super guapo Kuya, i love you so much & yes i’m taking care of myself (that’s how he ends all his messages by telling me he loves me so much & to ‘take care of yourself, mama’).”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …