Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joshua Garcia 2

Joshua 2 days ‘di naligo nang ma-heartbroken

MATABIL
ni John Fontanilla

VERY honest si Joshua Garcia na may mga craziest thing siyang ginagawa kapag heartbroken.

Ayon nga kay Joshua sa ginanap na media conference ng inaabangang teleserye na collaboration ng GMA, ABS CBN, at Viu, ang Unbreak My Heart na ginanap sa Seda Hotel, “Base sa natatandaan ko… nag-pandemic kasi noon eh so ‘yung time na ‘yun, craziest thing is ‘yung feeling ko inabot ako ng dalawang araw sa computer nang walang liguan. Crazy ‘yun ‘di ba? Walang tayuan.”

“Pero you know mayroon talagang ganong tao, ‘yung computer ang nakatulong sa akin to escape. Pero actually hindi pala siya nakatulong kasi naging escape siya sa nararamdaman ko lahat, doon ko na-process lahat,” anang aktor.

Hindi naman tuwirang sinabi ni Joshua kung sino ang babaeng nanakit ng kanyang puso noong mga panahong iyon.

Sa ibang banda masaya ang actor na mapasama sa collaboration project ng GMA 7, ABS CBN, at Viu at makatrabaho ang ilang Kapuso stars.

Mapapanood  ang  premiere ng Unbreak My Heart sa GMA Telebabad, Pinoy Hits, at I Heart Movies  sa May 29, 9:35 p.m., 11:25 p.m. sa  GTV, & stream it 48 hours before its TV broadcast this May 27 sa GMANetwork.com, iWantTFC, 

Ang UMH ay pinagbibidahan nina Jodi Sta Maria, Richard Yap, Gabbi Garcia, at Joshua, directed by Manny Palo and Dolly Dulu

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …