Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Fifth Solomon

Direk Fifth Solomon  binastos sa shooting ng isang Senior star

MATABIL
ni John Fontanilla

INAMIN ng batam-batang direktor na si Fifth Solomon na nakatikim na siya ng pagtataray at pambabastos mula sa isang  senior star  noong nagsisimula pa lang siyang director.

Kuwento ni Fifth “Noong nagsisimula pa lang akong direktor may isang senior actor 

na kasama sa pelikulang ginagawa ko na dinadaan-daanan lang ako sa set.

And may insidente na nagbibigay ako ng instruction tapos nagpi-picture siya ganyan.

Tapos nakatakip ako sa ilaw ang sabi niya sa akin tumabi ka nga riyan, tumabi kasi. So, nagulat ako at maging ‘yung mga bidang artista.

“One day lang siya ‘di na siya bumalik sa shooting, kaya nakasama siya sa movie sa isang eksena lang.”

At dahil sa nangyari ay ayaw na niya iyon makatrabaho.

No! Kasi para sa akin ‘pag bastos talaga ayoko na makipagtrabaho, dapat kahit P.A. pa ‘yan, direktor o kahit baguhan dapat iginagalang mo at binibigyan mo ng respeto.”

At kahit nga nabastos ito sa inasal ng nasabing senior actor ay ngumiti na lang si Fifth at ipinagpatuloy ang trabaho, dahil ang main concern niya ng mga sandaling iyon ay  mapaganda ang kanilang pelikula.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …