MATABIL
ni John Fontanilla
GULAT NA GULAT ang Beauty Queen/ actress na si Herlene Nicole “Hipon“ Budol nang malaman ang presyo ng Bulgari Serpenti set na nagkakahalaga ng P17-M:P8-M necklace, P1-M hikaw, P1.5-M singsing, at P6.5-M bracelet nang tanungin sa sales person kung ano bang alahas ang pinakamahal sa kanilang store.
Pinayagan naman ng sales person na hipuin at isukat ni Herlene ang alahas, sabay tanong ng kung may bumibili ba ng ganoong kamahal na alahas.
Bukod sa nasabing alahas, pinayagan din itong gamitin sandali ang isang bag na nagkakahalaga ng P300K.
Kasama ni Herlene sa jewelry shop ang kanyang manager/businessman/influencer na si Wilbert Tolentino na bumili ng bracelet na nagkakahalaga ng P500K.