HARD TALK
ni Pilar Mateo
UMIIKOT lang ang buhay. Lalo na sa buhay ng mga nasa showbiz industry.
Nakatutuwa kasing mabalitaan na sa proyekto ngayong pinagkakaabalahan ng abogado at direktor na si Atty. Vince Tañada ilan sa mga artistang kasama sa ilang beses niyang nakatapat na proyekto sa takilya eh, siya na niya ngayong napisil para magsiganap sa isang makabuluhang proyekto.
Naku, hindi ito tungkol sa politika. Pero may sasabak na politiko.
Tinanggap ni Yorme Isko Moreno ang isang mahalagang papel, para rin sumuporta sa isang baguhang ang layon lang din eh matupad ang matagal nang pinangarap na maging action star at sumunod sa yapak ng idolo, ang yumaong si Ramon Revilla, Sr., na si Nick Banayo.
“Ang gusto lang naman natin eh, makatulong sa industriya,” ayon kay Isko. “So, why not?”
After his project with a controversial director, sila ni Elizabeth Oropesa na nakatrabaho nito ay na kay Direk Vince naman.
“As I have always said, I can work with anyone. Maganda ‘yung concept ni Vince. Na mare-introduce natin sa new generation. Noong araw, ‘di ba, sinasabihan tayo ng matatanda, ‘O, matulog ka na, may tikbalang d’yan!”
Kaya kahit pa nga, naiba ang itsura ni Yorme sa gagampanan niyang papel bilang kapatid ng bidang si Nick, na magmumula sa ibang realmo ng mga elemento, tila relaxed na relaxed pa si Yorme sa kanyang costume at naiibang make-up.
Ang balita nga namin, sa tuwa ni Yorme eh, bumakas pa siya sa pagpo-produce ng pelikula na si Nick ang bangka, katulong si Vince at ang Philstagers.
Magandang pagsasama!
Isa pang nakatutuwa, makakasama ni Isko sa pelikula ang anak na si Joaquin.
Ang iba pang aabangan sa pelikula ay ang beauty queen na si Gazini Ganados, gayundin sina Snooky Serna, Ynez Veneracion, Richard Quan, Deborah Sun, John Gabriel, Pekto, Johnrey Rivas, at ang Philstagers actors.
Ano ang “Hiwaga” sa pelikula?