Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gardo Versoza Jack & Jill

Gardo ‘di naghihikahos; muling sasailalim sa operasyon

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

BINIGYAN linaw ni Gardo Versoza ang kumakalat na tsikang naghihikahos siya naman ibinebenta na niya ang mga gamit partikula ang kanyang gym equipment.

Sa pakikipagtsikahan sa aktor pagkatapos ng Jack & Jill sa Diamond Hills presscon na pinagbibidahan nina Jake Cuenca at Sue Ramirez hatid ng APT Entertainment at TV5, iginiit ng aktor na walang katotohanang naghihirap na siya matapos magpa-opera kaya nagbebenta ng gamit.

Jake Cuenca Sue Ramirez
Jack & Jill 1

Nauna rito, inatake sa puso ang “Cupcake ng Bayan” kamakailan kaya kinailangang   sumailalim sa angioplasty. Matapos iyon, nag-post si Gardo sa social media na ibinebenta ang kanyang gym equipment para pandagdag sa gastusin sa ospital.

Giit ni Gardo, naging praktikal lang siya kaysa matengga’t mabulok ang gym equipment na hindi niya na magagamit dahil pinagbawal na nga siya ng doktor sa mga strenuous activity.

Kaya naisip niyang ibenta na lamang ang mga iyon para ipandagdag na rin sa medical expenses niya.

Pagbabahagi ni Gardo, nagkaroon siya ng dalawang bara sa ugat ng puso dahil nga sa atakeng nangyari.

“Yung isa, 100 percent ang blockage habang ang ikalawa naman ay 80 percent. Nauna nang alisin iyong 100 percent blockage then ang isusunod yung 80 percent. Hindi kasi pwedeng pagsabayin, delikado. Masyadong risky and hindi nila kumbaga, pinapayagan na gawin iyon,” esplika ni Gardo.

Sa totoo lang, maging si Gardo ay nagtaka kung saan at bakit siya inatake gayung isa siyang healthy buff at healthy food din ang kanyang mga kinakain. 

“Actually, ‘yun ang kasalanan ko kasi siguro last time I had my executive check-up, mga four or five years ago na. Eh, dahil kumbaga regular naman ‘yung pagba-bike ko, regular ‘yung zumba, healthy naman ‘yung mga kinakain ko. So wala akong inkling na, ‘di ba, ay may masama akong nararamdaman, ganyan-ganyan. Which is nitong nangyari ‘yung atake, napagtanto ko at ‘yun ang isini-share ko ngayon na kahit walang nararamdaman, importante pa rin ‘yung magpa-check. Kasi babalik pa rin ‘yon doon sa prevention is better than cure.”

At ang dahilan ng atake ani Gardo ayon na rin sa paliwanag ng doktor, genetic ang cause ng heart attack niya.

Nasa bloodline namin, eh. So I didn’t see it coming,” aniya pa.

Malaki naman ang pasasalamat ni Gardo sa mga kaibigan, netizens, at Jack and Jill producer,  APT Entertainment sa pagmamalasakit at pagsuporta sa kanya noong nasa ospital siya.

Na-touch din sa Gardo sa mainit na pagtanggap sa kanya ng mga press na dumalo sa media conference dahil agad namin siyang kinumusta.

Sa ngayon, hinay-hinay muna ang aktor sa kanyang activities kabilang na ang pagsasayaw sa TikTok. Pero nilinaw niyang hindi siya pinagbawalan ng mga doktor na magpatuloy sa trabaho basta dahan-dahan at alalay lang.

Kasama rin sa Jack and Jill sa Diamond Hills bukod sa kanila nina Jake at Sue sina Ara Mina, DJ Onse, Nana Silayro, Nico Antonio, DJ Jhai Ho, Hershey Neri at marami pang iba.

Ito ay idinidirehe ni John “Sweet” Lapus, mapapanood  sa TV5 simula May 14, Linggo, 6:00 p.m.

Ang Jack and Jill sa Diamond Hills ay iikot sa nakaiintrigang adventure ng dalawang undercover agents na gagampanan nina Jake at Sue. Ang kanilang misyon? Hulihin si “Alyas Sexbomb,” ang taong nagpapakalat ng “Happy P,” isang delikadong droga, sa buong Diamond Hills subdivision. Kung hindi nila mahuhuli si Alyas Sexbomb sa loob ng tatlong buwan, matatanggal sina Jake at Sue sa kanilang mga pwesto bilang mga pulis.

Kaya huwag nang magpahuli sa nakatutuwa at nakate-tensiyong paghabol sa tunay na pagkakakilanlan ni Alyas Sexbomb. 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …