Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean De Guzman Barbie Imperial

Sean itatambal kay Barbie, makakatrabaho rin isang sikat na actor

REALITY BITES
ni Dominic Rea

ILANG buwan din nagpahinga ang anak-anakan naming si Sean De Guzman sa paggawa ng pelikula after umariba last December para sa kontrobersiyal na pelikulang My Father, Myself kasama sina Stiffany Grey, Dimples Romana, at Jake Cuenca

Hindi naman sa namimili na rin siya ng gagawing proyekto, hiniling niya rin sa kanyang manager na si Len Carrillo na makapagpahinga ng kaunti dahil aminin naman nating simulang bumulaga ang kanyang showbiz career ay halos walang pahinga si Sean sa paggawa ng pelikula sa bakuran ng 316 Media Network at para sa Vivamax.

Ang magandang balita ay naggagandahang pelikula pa ni Sean ang hindi natin napapanood na magiging mas proud ka pa sa pagiging aktor niya. Tulad ng mga pelikulang Fall Guy, Sa Kanto Ng Langit at Lupa, at A Cup Of Flavor. Mga pelikulang beautifuly written at pang-international ang atake.

Noong huli naming makausap si Sean, mismong si Ms Len ang nagbalita sa aming isang magandang project ang niluluto para kay Sean na pagtatambalan nila ni Barbie Imperial  at kapag natuloy pa ang isang magandang project ay makakatrabaho niya rin ang isang sikat na aktor.

Mukhang level-up na nga ang Vivamax King dahil mukhang sa Viva Prime naman ngayon ang punta niya. Aktor kasi. Mahusay din naman kasing aktor kaya posible ang lahat ng pagbabago.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …