Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Tiana Kocher 2

Apo ni Tita Midz na si Tiana Kocher gustong maka-collab si Kiana

ANG anak ng mahusay na singer na si Gary Valenciano na si Kiana Valenciano ang isa sa gustong maka-collab ng mahusay na Fil-Am R&B artist na si Tiana Kocher na kamakailan ay nagkaroon ng grand launching ng kanyang album na ginanap sa Delimondo Cafe (JAKA Bldg., Urban Avenue corner Chino Roces, Makati City).

Bukod kay Kiana ay gusto rin nitong ma-try na kumanta ng mga awiting kundiman na pinasikat ng kanyang yumaong  Lola na si Tita Midz ( Armida Siguion-Reyna).

At sa pa-sample nga nito ng ilang awitin kasama ang ilan sa kanyang own composition ay napabilib nito ang mga dumalong entertainment press at vloggers sa ganda ng boses at husay sa pagpe-perform, na marahil ay namana nito sa kanyang lola Midz at mga pinsang sina Cris Villonco at Rafa Siguion Reyna na pare-parehong napakahusay na mang-aawit.

Si Tiana ay anak ng napakagandang si Ms. Katrina Ponce-Enrile at apo ni Sen. Juan Ponce Enrile na parehong 100% plus ang suporta sa pagpasok nito sa showbiz. 

Nahasa ang pag-awit at pag-arte ni Tiana sa Repertory Philippines kaya naman willing din itong subukan ang pag-arte sa telebisyon at pelikula.

Ang debut single niyang Just My Type ay nag-land sa top 40 indie chart samantalang ang follow up na Paint The Town at Swing Batter ay ginamit sa Ciroc commercial para sa Hollywood movie na What Men Want.

Ang kanya namang record na U Tried It ay prodyus ng 4-time Grammy nominated record producer na si RoccStar.

Bukod sa pagkanta ay gusto rin nitong subukan ang pag-arte sa telebisyon o pelikula, at kahit saang TV network ay open ang kanyang serbisyo mapa-ABS CBN, GMA 7, TV 5 man ‘yan. (John Fontanilla)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …