MATABIL
ni John Fontanilla
ISA sa mga pangarap na gustong matupad ni Gladys Reyes ay ang makatrabaho ang Star for all Seasons na si Vilma Santos.
Ayon kay Gladys sa interview sa kanya ni Kuya Boy Abunda sa Fast Talk, “Gustong-gusto ko talagang maramdaman kung paano ko aapihin si Ate Vi.
“Mahihiya ba ako, mai-intimidate ba ako kay Ate Vi kapag nandoon na? Baka hindi ko magawa ‘yung talagang eksena,” paliwanag ni Gladys.
Masaya nga ito dahil sa kauna-unahang Summer Metro Manila Film Festival 2023 ay dalawa ang kanyang naging pelikula, ang Here Comes the Groom with Enchong Dee, Kaladkaren, Maris Racal, Awra Briguelaatbp. at ang Apag with Coco Martin, Jacklyn Jose, Sen. Lito Lapid na itinanghal siyang Best Actress.