Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ashley Ortega Xian Lim

Ashley Ortega  nasaktan nang sabihang laos at di bagay kay Xian Lim

MATABIL
ni John Fontanilla

DEADMA lang  si Ashley Ortega nang ma-bash ng mga tagahanga nina Xian Lim at girlfriend nitong si Kim Chiu dahil siya ngayon ang leading lady ng actor sa GMA 7 series na Hearts on Ice.

Ayon kay Ashley, “Ay, naku ready na po ako! Hindi pa nga nagsisimula ‘yung show, inaaway na nila ako. I supported their movie, sila ni Xian, nanood ako ng premiere ng movie nila sa Megamall.”

Dagdag pa nito, “May mga natatanggap na akong comments pero deadma na lang.

Hindi naman ako nagpapaapekto sa kanila.

“I kinda feel bad lang kasi siyempre pati si Xian bina-bash nila, hindi lang kasi ako. So parang, it’s the both of us.

“So parang siyempre they’re a couple, dapat ‘yung fans nila they support each other, so hindi naman ako more of nalungkot ‘yung pag-atake sa akin.

“You being bashed is part of showbiz, ‘yung mga negative na tao, that’s what they do. I feel bad lang na pati si Xian bina-bash kasi siya so parang doon lang.

“Dine-deadma ko lang, actually bina-block ko sila, eh. Kasi ang hahaba ng mga paragraph nila na bashing lang talaga. Nilalagyan nila ng malisya ‘yung pagsasama namin ni Xian sa show.”

At kahit nga below the belt na ang tira sa kanya ay wala  itong balak pumatol kahit sobrang sakit na ang mga salita na ipinupukol sa kanya.

Na kesyo, bakit daw si Xian Lim isang GMA talent lang ang na-pair sa kanya, na parang laos daw ako, bakit ako daw ‘yung pinartner, mga ganoon.

“And, you know, I don’t wanna…baka naman gamitin nila against me, pero ano naman iyan, it’s part of it. Like, actually, ipinakikita ko nga kay Xian, sabi ko, ‘Deadma mo na lang iyan.’ Sabi ko sa kanya, ‘Bakit pati ikaw bina-bash?’

“Dalawa kami, so iyon, pero deadma na lang, I mean it’s part of it, and okay naman kami ni Kim, and alam naman namin ni Xian na wala kaming ginagawang kababalaghan.

“We’re just good friends, we’re very professional lang, so I don’t think there’s something I should worry about or may kailangan akong itago na dapat affected ako sa sinasabi ng iba,”  pagtatapos ni Ashley.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …