Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Will Ashley

Will Ashley alagang-alaga ng GMA 7

MATABIL
ni John Fontanilla

ALAGANG-ALAGA ng GMA 7 ang mahusay at guwapong aktor na nagsimula bilang child star na si Will Ashley.

Isa nga ito among teen actors ng Kapuso Network na sunod-sunod ang magagandang  proyekto.

Kaya naman ‘di na kami nagulat nang  pinagkaguluhan during 6th Philippines Most Empowered Men and Women of the year 2023 si Will na isa sa binigyan ng award bilang Philippines Most Empowered Men (Actor ), dahil siguro sa masyado itong visible sa TV sa kanyang sunod-sunod na TV shows.

Kitang-kita namin kung paano dumugin ng mga taong umatend ng nasabing awards ang Kapuso actor. Kaya masasabi naming made na made na talaga ito at tiyak susunod sa yapak nina Dingdong Dantes, Alden Richards, at Dennis Trillo na mga hari ng GMA 7.

At sa karangalang natanggap nito ay nagpapasalamat si Will unang-una sa Diyos, sa kanyang mga magulang, GMA 7 , Sparkle GMA Artist Center Family, sa kanyang handler, at sa kanyang mga loyal supporters.

Nagpapasalamat din ito kay Richard Hinola na siyang founder ng 6th Philippines Empowered Men and Women of the Year 2023 sa karangalang ibinigay sa kanya.

Sa ngayon ay ginagawa nito ang isa sa pinakamalaking serye ng GMA 7, ang Unbreak My Heart at ang pelikulang Poon, bukod pa sa guestings nito sa iba’t ibang shows ng Kapuso Network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …