MATABIL
ni John Fontanilla
HINDI raw issue para kay Elijah Alejo kung muli siyang tatanggap ng kontrabida role kahit na nga bidang-bida na siya sa hit afternoon serye ng GMA, ang Underage.
Ayon nga kay Elijah, “Okey lang naman po magkontrabida ako ulit, ako naman po kasi kahit anong role ang ibigay sa akin go lang ako, ang mahalaga sa akin may trabaho po.”
Dagdag pa nito, “Hindi naman porke’t nagbibida ka na ay hindi ka na tatanggap ng ibang role na ‘di bida, mas maganda nga po na nagagawa mo pareho ang magbida at magkontrabida. Ang mahalaga lang ay nagustuhan ng tao ‘yung performance mo. Ibig sabihin nagawa mo ng tama.
“At saka roon naman ako nakilala ng tao, sa ‘Primadonnas’ na nagkokontrabida kaya okey lang.”
Very thankful ito sa GMA sa magagandang role at projects na ibinibigay sa kanya.
At sobrang happy ito dahil pare-pareho silang mga kasamahan niya sa Primadonnas na sina Jillian Ward, Althea Ablan, Sofia Pablo na may magagandang proyekto ngayon.