MATABIL
ni John Fontanilla
HIHINTO na raw sa paghuhubad sa telebisyon, pelikula, stage at sa mga pictorial ang Kapuso artist na si David Licauco.
Sa isang interview nito ay sinabi ng hunk actor na simula nang makilala siya bilang Fidel sa patok na patok na GMA Teleserye na Maria Clara at Ibarra na nakasama nito sina Barbie Forteza at Dennis Trillo ay dumami na ang fans niyang bata.
Ayon nga kay David, “So child-friendly na tayo ngayon…Hindi na puwede ‘yung hubad-hubad.”
“But I’m still with Bench. So iyon, whatever works. Kung ano ‘yung magugustuhan ng mga tao, iyon ang gagawin ko.”
At kung dati-rati raw ay nakahubad at naka-brief sa mga print ad, poster, at billboard ng Bench, ngayon ay tapos na ang kanyang kontrata sa Bench Body.
So ngayon nga ay balik-wholesome na si David katulad niyong nagsisimula siya sa showbiz, kaya mami-miss ng mga kababaihan at mga kapatid sa LGBTQ ang hubad na katawan ng hunk at guwapong aktor.