I-FLEX
ni Jun Nardo
NARAMDAMAN ni Konsehal Alfred Vargas ang pagiging humble ng isang Nora Aunor noong kunan nila ang magkasama nilang eksena sa ginawang movie na Pieta.
“Noong unang araw, lalo kay Ate Guy, kabadong-kabado ako.
“Pero, alam mo ang ginawa niya? Hinawakan niya ako, pinisil ang kamay ko at she made me feel comfortable.
“Nagulat ako kay Ate Guy! Hinding-hindi niya ipapa-feel sa ‘yo na superstar siya. Tututungan ka pa niya.
“Ngayon pa lang, ang dami kong natutunan kay Ate Guy at kapag kaeksena mo siya, madadala ka which makes things easy for you as an actor,” saad pa ni Kosehal Alfred.
Of course, bukod kay Ate Guy, kasama rin sa movie ni Alfred ang award-winning actresses na sina Jaclyn Jose at Gina Alajar.