Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

TOP 8 ng The Voice PH artists, magkaka-alaman na!

WALANG itulak-kabigin sa Top 8 ng The Voice of the Philippines. Lahat sila’y magagaling at walang itatapon, kumbaga. Ang sarap nang makinig sa kanila habang kumakanta dahil sa gaganda ng boses.

Kaya naman talagang nag-enjoy kami nang ipakilala sa entertainment press ang Top 8 ng The VoicePH noong Miyerkoles.

Samantala, isang umaatikabong tunggalian sa kantahan ang tiyak na magaganap sa Top 8 artists ng top-rating at Twitter-trending na The Voice of the Philippines para masungkit ang nag-iisang slot bawat team para sa inaabangang grand finals ng singing-reality show.

Painit nang painit ang pasiklaban dahil sa huling dalawang linggo ng The Voice, apat na Live Shows ang hatid nito sa Setyembre 21, 22, 28, at ang grand finals sa Setyembre 29. Makaboboto na rin ang taumbayan sa Live Shows tuwing Sabado.

Sa Sabado (Sept 21) at Linggo (Sept 22), paghaharapin na ang dalawang artists ng teams nina Apl de Ap, Sarah Geronimo, Bamboo, at Lea Salonga para  makuha ang Top 4 artists na maglalaban-laban sa titulong The Voice of the Philippines.

Para mapagpasiyahan kung sino ang nag-iisang artist na magtatayo ng bandera ng kanyang team sa grand finals, pagsasamahin ang porsiyentong nakuha ng isang artist mula sa public votes sa Live Shows ng Sabado at Linggo at ang score na ibibigay ng kanyang coach.

Bakbakan ng four-chair turners ang magaganap sa Team Apl sa tinaguriang ‘mighty’ Thor at ni Janice Javier, na parehong may maipagmamalaking experience pagdating sa pagpe-perform. Ngunit sino kaya ang kakampihan ni Apl at ng publiko sa kanila?

Dalawang divas naman ang magtutunggali mula sa Team Sarah ng parehong bata ngunit palabang sina Morissette Amon at Klarisse de Guzman. Nahasa na ang dalawa sa pagsabak sa iba’t ibang singing competition, ngunit sa The Voice, handa na silang ipaglaban ang kanilang pangarap na maging susunod na singing superstar.

Para naman sa Kamp Kawayan o Team Bamboo, maglalaban ang singing heartthrobs na sina Paolo Onesa at Myk Perez. Nabihag nila ang puso ng publiko, at patunay nito ang consistent top ranking nilang dalawa sa botohan sa nakaraang Live Shows.

Sagupaan naman ng mga beterano ang dapat na abangan kina Mitoy at Radha ng Team Lea. Makamit kaya ni Radha ang hinahanap niyang ‘second chance’ na magtagumpay sa industriya o mapunta kay Mitoy ang pagkakataong magkaroon ng big break?

Kaninong boses ang mananaig sa puso ng publiko at ng coaches? Sino-sino ang apat na artists na sasabak sa grand finals?

Kaya pakatutukan ang The Voice of the Philippines tuwing Sabado, 9:00 p.m., at Linggo, 8:15 p.m. sa ABS-CBN. Maglog-on sa www.thevoice.abs-cbn.com para sa pinakasariwang news at updates sa programa at para sa eksklusibong profiles at performance videos ng artists. I-like rin ang www.facebook.com/thevoiceabscbn sa Facebook, i-follow ang @thevoiceabscbn sa Twitter o i-follow ang abscbnthevoice sa Instagram.

Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …