NATAWA kami nang mayroong magsabi sa amin na mayroon daw sex video scandal sina Cristine Reyes at Rayver Cruz.
Napa-”What?” talaga kami when we first heard it.
To begin with, kung mayroon nga silang sex video, dapat ay matagal na ‘yang pinagpiyestahan ngayon sa social media.
Isa pa, Rayver is so conservative at tiyak na hindi siya papayag na gumawa ng ganoon.
One more thing pa, wala namang lumalabas na ebidensiya kaya mahirap talagang paniwalaan ang tsismis na ito sa ex-couple.
Ang feeling namin, baka may ka-look-alike lang ang dalawa and people have mistaken them for their look-alikes.
Anyway, hindi naman siguro seseryosohin nina Cristine at Rayver ang chikang ito dahil malayo sa katotohanan.
Nora, muling nagpakita ng galing sa Ang Kuwento ni Mabuti
SAW Ang Kuwento ni Mabuti dahil na rin sa imbitasyon ni Pit Maliksi, isang avid Noranian.
Kuhang-kuha ni Nora ang nuances ng kanyang character. As a barrio healer ay akmang-akma ang kanyang salita at kilos. Talagang matindi ang kanyang immersion sa kanyang character.
Hindi na kami nagtaka when Mes de Guzman, the director, shared na si Nora ang nag-suggest na gawing Ilocano lahat ng dialogue sa pelikula. Ganoon kagaling si Nora mag-isip bilang artista.
As usual, Nora’s eyes convey so much emotion that she hardly had to move. Sapat na ang kanyang mga mata para sabihin ang mensaheng gusto niyang ibigay sa manonood.
Actually, siya lang yata ang may ganoong kakayahan. Wala kasing ganitong capability sina Vilma Santos, Sharon Cuneta, Maricel Soriano, Gina Alajar, Hilda Koronel, at kung sino-sino pa.
Simple lang ang kuwento ni Mabuti, about a barrio healer na nakakuha ng milyong piso dahil sa isang trahedya.
Kuhang-kuha ni Nora ang emosyon ng isang babaeng hindi malaman ang gagawin sa malaking perang biglang napasakanya. What she gave was a non-acting acting. Maging ang iba pang cast members ay ganoon din.
We will not be surprised if Nora wins best actress award for her performance in this movie.
Alex Brosas