Friday , November 22 2024

DA, NFA suportado ng rice traders, dealers ( Sa laban vs rice saboteurs )

092013_FRONT

TAGUMPAY ang mga programang inilatag ni Agriculture Secretary Proceso Alcala at ng National Food Authority (NFA) para tiyaking sapat ang imbak na bigas ng bansa alinsunod na rin sa food security program ng pamahalaan.

Kaugnay nito ay sinuportahan ng mahigit 150 stakeholders at industry players na kumakatawan sa pinakamalalaking grupo ng mga magsasaka, rice mill owners, wholesalers, mangangalakal, at magtitinda ng bigas mula sa Luzon at Visayas ang pahayag nina Sec. Alcala at NFA Administrator Orlan A. Calayag na matatag ang industriya at walang dahilan para mag-alala ang publiko sa supply ng bigas.

Dahil dito ay tuluyan nang nalantad na gawa-gawa lamang at pakana ng mga grupong gustong sirain ang pangkalahatang kalagayan ng supply sa bansa ang maling balita na may pagsasalat ng produkto.

Ang pagtitiyak ng mga industry player ay naganap matapos ang kanilang pakikipagpulong kamakailan kay Alcala, Calayag at iba pang pinuno ng pamahalaan kung saan ay tinalakay nila ang tunay na sitwasyon ng supply ng bigas sa bansa.

Bagamat inamin nila na nagkaroon ng kaunting pagtaas ng presyo sa ilang lugar, tiniyak naman nilang dahilan ito sa lean season at hindi dahil sa kulang ang supply nito.

Nagkaisa ang mga dumalo na mula sa mga grupong Grains Retailers Association of the Philippines; Binhi-NCR; AGRIS; Philippines Confederation of Grains Associations; at ANIB-AMI na labanan ang mga grupong nagpapakalat ng maling mga espekulasyon na nagreresulta sa kalituhan sa kanilang hanay at sa publiko.

Itinuring din ng mga dumalo sa pulong na tagumpay ang Rice Self-Sufficiency program ng pamahalaan at lubos nila itong sinusuportahan.

Nabatid pa na patuloy ng tumatatag ang presyo ng bigas sa Intercity sa Bulacan kung saan ang presyo ng commercial premium quality rice ay bumaba na mula P1,920 kada sako sa P1,880.

Ang presyo naman ng medium quality rice ay bumagsak na mula P1,820 sa P1,780, at ang imported premium quality rice ay sumadsad mula P1,800 sa P1,750 kada sako.

Una nang sinabi ni Alcala na pinaiimbestigahan na niya sa National Bureau of Investigation ang mga tao at grupong nasa likod ng pagpapakalat ng maling balita hinggil sa rice shortage at hinihintay na lamang niya ang resulta ng imbestigasyon bago ito ilantad sa publiko.                    (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

Mary Jane Veloso

Mary Jane Veloso uuwi na — Marcos

KINOMPIRMA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., na uuwi na sa Filipinas si Mary Jane Veloso …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *