Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Kylie Padilla Alas Joaquin Axl Romeo

Aljur nilinaw hindi siya pabayang ama

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

IGINIIT ni Aljur Abrenica na responsableng tatay siya sa  dalawang nilang nila ni Kylie Padilla. Ang paglilinaw ay tugon sa mga nagsasabing pinababayaan niya sina Alas Joaquin at Axl Romeo na nasa pangangalaga ng kanyang estranged wife na si Kylie.

Naihayag ito ni Aljur nang mag-guest sa  grand launching ng Gutierez Celebrities and Media Productions na pag-aari ni MJ Gutierez sa SM North Skydome kamakailan.

Sinabi ni Aljur na maayos na ang relasyon nila ni Kylie at ang co-parenting agreement nila para sa mga anak, “Lahat naman naka-move on na. Constant communication naman, hindi nawala ‘yun para sa mga bata.

“Choices naman. Every day we choose what’s the right path for us. We’re doing our best. I know I am doing my best para sa mga bata.

“It’s been what? Parang two years na ang issue na ito. Just to let you know, guys, we are all doing our best para sa ikabubuti ng bawat isa, para sa pamilya,” ani Aljur.

Sinabi pa ni Aljur na, “I’m responsible. ‘Yung responsibilities ko sa kanila is on me. Sa mga nangyayari ngayon, sa mga tao, spare it na, tama na.

“It’s not helping us anymore. Not just us, even kayo, ‘di na rin nakatutulong sa inyo ‘yan. Totoo nga, ‘di na nakatutulong. May natutunan na kayo, may natutunan na kayo sa nangyari. May nagkaaminan na ng pagkakasala, lahat.

“I have to protect my familly, I have to protect my kids.The damage has been done, ayoko nang madagdagan,”sabi pa ng aktor.

Mas magiging exciting naman ang showbiz industry sa pagkakatatag sa Gutierez Celebrities and Media Productions na nakipag-collab na sa ALLTV Channel 3.

Maraming inihahandang sorpresa at pasabog ang GCMP para makatulong sa showbiz industry. Ilan sa mga naka-line up na projects nila ay ang Jeongbu na tampok si Aljur, The Lasting Love To RememberThe Life Savers, Stan Party, at Love Bound.

May tatlo ring sikat na Tiktokerist ang ima-manage ng GCMP na ipakikilala rin sa publiko soon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …