Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jiro Custodio Sam Coloso

Pelikula ni Bidaman Jiro Custodio ipinalalabas sa London

MAY bagong single ang It’s Showtime Bidaman na si Jiro Custudio ang ‘Di Sinasadya na labas na sa lahat ng digital platforms hatid ng Side Projects Productions. 

Ang awiting ‘Di Sinasadya ay mula sa komposisyon ni Port Mallillin na naging composer na rin nina MItoy, The Boyfriends, at Gia Macuja.

Bale si sir Port Mallillin is pamangkin ni Jun Mallillin at Alex Mallillin na composer ng ‘Bakit Labis Kitang Mahal’ popularize by Boyfriends and Lea salonga.

“Si Sir Port Mallillin po is London base na may company na side projects nagpo-produce ng mga concert sa UK at nag-i-invite ng mga Pinoy and international artist.

“Pamangkin din po siya ng film producer namin na Pera Kwarta Salapi si sir Rusty Mallillin Famas awardee rin po.

Naging mainstay noon si Jiro ng Walang Tulugan with the Mastershowman at  naging runner-up ng  BidaMan, isang talent competition ng ABS-CBN noontime show na It’s Showtime. 

Last year ay hinirang naman itong Outstanding Singer and Actor of the Year ng  Gawad Dangal Filipino Awards 2022. 

Ayon nga kay Jiro, “Dumating na po ako sa punto ng buhay na napagod na at gusto ng tumigil sa pag-abot ng pangarap ko. 

“Pero ipinaglaban ko at ‘di ko sinukuan ang mga pangarap ko kaya patuloy akong nagsisikap para sa sarili at sa mga taong naniniwala at nagmamahal sa akin.”

Bukod sa kanyang bagong kanta ay bibida naman ito sa isang musical film entited  Pera, Kwarta, Salapi with It’s Showtime Sexy Babe winner, Sam Coloso at nakatakdang pumunta ng London para sa screening ng Pera, Kwarta, Salapi.

Nagtungo ito sa London last February 25-26 at sa March 04,12 para sa movie screening ng nasabing pelikula sa Phoenix Cinema sa #52 High Road East Finchley London N2 9PJ, United Kingdom.  (John Fontanilla)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …