MARAMING tagahanga nina Maine Mendoza at Arjo Atayde ang labis-labis ang naging kasiyahan nang i-post ng paring si Fr. Jeffrey Benitez Quintela ang larawan na kasama ang dalawa sa kanyang Facebook acoount (Jeffrey Benitez Quintela/Facebook).
Sa mga litratong ibinahagi nito ay nilagyan niya ng caption na, “Preparing for FOREVER” na dinugtungan niya ng “#TheInterview.”
Hindi naman klinaro ng pari kung ang naganap na “interview” ay ang “dulog” o ang canonical interview na ginagawa ng Simbahang Katoliko sa mga nagpaplanong magpakasal para matiyak na walang mga balakid sa pag-iisang dibdib.
Pero sa post na ito ay hindi naiwasang kiligin ang mga supportive fan ng dalawa na dali-daling nagbigay ng kanya-kanyang komento at ilan nga rito ay ang mga sumusunod.
“Fr. Jeff, isa-isa mong kinakasal ang mga dabarkads.”
“May forever pag may blessing ni Fr. Jeff.”
“Congratulations in advance.”
“Happy for you Maine. Arjo please take good care of her.” (John Fontanilla)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com