MATABIL
ni John Fontanilla
NAGBABALIK-SHOWBIZ ang isa sumikat na sexy star noong dekada 90, si Marinella Moran.
Ayon kay Marinella na 8 years nawala sa showbiz dahil nag-focus sa kanyang negosyo na isang boutique sa Singapore, ibinenta na niya iyon para mag-stay for good sa Pilipinas. At habang nasa Pilipinas ay magbabalik acting ito at ita-try na ang pagpo-produce ng pelikula.
Balak din nitong isama sa kanyang pelikula ang mga artistang naging kaibigan katulad nina Ynez Veneracion, Hazel Espinosa at marami pang iba.
Bukod sa pag tanggap ng acting project at pagpo-produce ng pelikula, gusto nitong ma-reconnect at matulungan ang mga kaibigang manunulat na naging parte ng kanyang showbiz career.
Ito ang paraan ni Marinella para maibalik ang pagmamahal at friendship na ibinigay sa kanya ng mga entertainment nang nagsisimula siya. Kung wal ang press noong nagsisimula siya ay walang Marinella Moran.