Tuesday , December 16 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Vilma Santos Luis Manzano

Ate Vi napaiyak, ipinagtanggol si Luis — Ang anak ko tumutulong, hindi nanloloko

RATED R
ni Rommel Gonzales

ISANG dakilang ina kaya hindi maaaring hindi ipagtanggol ni Ms. Vilma Santos ang kanyang anak na si Luis Manzano na nasasangkot ngayon sa isang kontrobersiya sa negosyo.

Kaya naman naging emosyonal si Ate Vi sa pagtatanggol kay Luis tungkol sa mga nagrereklamong nagpasok ng puhunan sa Flex Fuel Petroleum Corporation.

Naganap ito sa katatapos lamang na guesting ni Ate Vi sa Fast Talk With Boy Abunda.

Bilang ina, gaano kasakit ngayon ang maranasan na may pinagdaraanan ang iyong anak na si Luis,” ang tanong ni Tito Boy sa Star For All Seasons.

I’m sorry Tito Boy,” at napaiyak na agad si Ate Vi kaya hindi agad nakasagot.

It’s not easy, it’s not easy. Ayaw kong i-entertain… Mahirap din kasi na minsan it’s your job do good, to show people that you’re comfortable pero deep inside you’re hurting. The only thing I can say is that I know my son. Ang anak ko tumutulong, hindi nanloloko,” mariing sinabi ni ate Vi.

Kaya ‘yung mga nagsasalita at nanghuhusga sa kanya, dahan-dahan lang kayo, walang ibang nakakikilala sa anak ko kundi ako,” deklarasyon pa niya.

“At this point, ut’s just asking for guidance, not even for myself but for my children. Ako na lang, huwag lang ang anak ko,” emosyonal pa ring pahayag ng aktres.

Siyempre pa, alam ni Ate Vi na malalagpasan ni Luis ang pagsubok na ito.

It’s not easy. At this point in time, to all my friends and sa lahat ng mga kaibigan it’s just, prayers, because I know my son, lalagpas din ito. I know him.”

Luis you will be fine,” mensahe naman ni Tito Boy kay Luis.

You will be fine anak, maraming nagdarasal sa ‘yo. The truth will prevail. Alam ng mga tao ‘yan, tumutulong ka anak, hindi ka nanloloko. I love you,” sinabi pa ni Ate Vi kasama ang pamoso niyang pagbati palagi kay Luis na, “I love you, Lucky!.”

Naunang napabalita na isinilbi na ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation ang subpoena sa bahay ni Luis sa Taguig City.

Ito ay tungkol sa reklamong estafa na inihain ng nasa 40 investors laban sa kanya at iba pang personalidad na affiliated sa oil firm.

Itinanggi ng FlexFuel ang mga akusasyon na sangkot sila sa investment scam pero aminado silang nakaranas sila ng pagkalugi dahil sa mga mga dahilang “beyond their control” tulad ng coronavirus pandemic.

Maging si Luis ay iginiit na wala siyang kinalaman sa pamamalakad ng FlexFuel at nawalan din umano siya ng pera.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …