Sunday , November 17 2024
Rhian Ramos Sam Verzosa

Sam Verzosa sa isyung hiwalay sila ni Rhian — Ang importante nagmamahalan kami, nagsusuportahan

OKEY kami, magkasama kami, natural ang minsang ‘di pagkakaunawaan.’

Ilan ito sa mga salitang nasabi ni Cong Sam Verzosa nang uriratin namin siya ukol sa napapabalitang naghiwalay na sila ng kanyang girfriend na si Rhian Ramos.

Noong una’y ayaw pang sabihin ng kongresista ang pangalan ng aktres dahil katwiran nito’y alam na naman daw namin kung sino ang tinutukoy niya. Natanong din sa CEO at co-founder ng Frontrow International kung sino ang ka-Valentine’s date niya at sinabi nitong ang kanyang ina dahil kamamatay nga lang ng kanyang ama.

At siyempre lagi namang may special someone,” nangingiting sabi nito sa launching ng kanyang show na Dear SV, isang public affairs program na nagtatampok ng mga inspiring stories ng mga ordinaryong Filipino.

Lagi namang mayroon,” pahabol nito nang dikdikin kung mayroon bang special someone at sinabing hindi malamig ang kanyang Valentine’s day.

Actually, binati ko po siya, we’re okay, we talked everyday, we text each other everyday. And, nandoon po siya sa ospital dumadalaw sa papa ko, hanggang sa namatay ang papa ko andoon po siya.

Nang tanungin kung nagkabalikan sila? Sagot nito, “ang importante nagmamahalan kami, nagsusuportahan kami sa isat isa at nandoon kami para sa isa’t isa.

“Kung anumang level ang tawag n’yo roon kayo na ang bahala,” esplika pa ni SV.

Sinabi rin ng kongresista na nagsimula ang balitang naghiwalay sila ni Rhian nanh mag-unfollow sila sa isa’t isa sa kanilang social media account.

Para sa akin ‘yang pag-unfollow na ‘yan hindi naman nade-define ang mga relationship kasi ang mga social media hindi naman validation ng isang relationship kung masaya o hindi masaya.

“Kasi minsan maganda mga post masaya, magugulat ka na lang ‘yung mag-asawa naghiwalay na. Mayroon naman hindi nagpo-post pero sobrang saya. So ako normal sa akin ang hindi pagkakaintindihan.

“Ang importante nakakapag-usap kayo, naaayos ninyo at nakikilala ninyo ang isa’t isa, nagma-mature kayo and now we’re striving to be the best person of ourselves,” esplika pa ni Cong SV.

Ukol naman sa kasal hindi pa nila napag-uusapan ni Rhian bagamat lampas one year na ang kanilang relasyon. 

Sa relationship naman naiisip mo ‘yan, pero sabi ko nga we’re in the stage na getting to know each other. We’re growing as a person and bago tayo dumating dyan dapat handa tayo and kapag dumating ‘yan sana maabot natin ang best o better version of ourselves,” paliwanag ni Sam na inaming hindi pa rin handang lumagay sa tahimik dahil bata pa rin naman sila at marami pa silang gustong gawin sa kani-kanilang buhay.

Sa kabilang banda, iniaalay ng Tutok To Win Partylist Representative sa kanyang mahal na ama na yumao kamakailan ang bagong public service show niya sa CNN Philippines, ang Dear SV, na mapapanood na simula February 18, 7:30 p.m..

I’m just so proud na kahit wala na ‘yung Papa ko natuloy po ‘yung programa. Alam niyo po, kaunting trivia. Dati pinag-uusapan namin kung ano ang magiging title ng programa, kasi wala pa itong title dati.

“Pero noong January 5 onwards naospital po ‘yung Papa ko. So, pagpunta ko sa ospital doon pumasok sa isip ko na lahat ng ginagawa ko, lahat ng ako, galing po sa Papa ko. Siya po ‘yung nagturo sa akin na huwag makalimot magbigay, tumulong. ‘Kung ano man ang mayroon ka maliit o malaki huwag kang makakalimot anak na magbigay.’

Kaya naalala ko, sabi ko, ipangalan namin ‘yung show na ‘Dear SV.’ Kasi siya po ‘yung original na SV, siya po ‘yung Samuel Verzosa talaga, junior lang po ako.

“So, ito pong programa na ito ay tribute para sa kanya. Nandito po ako sa kalagayan ko ngayon dahil sa kanya at sa aking mga magulang. Kaya, ‘Pa, kung nasaan ka man, this is for you. I love you, Pa!” pahayag pa ni Sam.

Ang Dear SV na isang public service program ay layuning tumulong sa mga kababayan bating nagsusumikap at naghihirap at may mga pinagdadaanan.

Ani Sam, napapanahon ang ganitong programa lalo’t kakatapos lang ng pandemya. Marami ang gustong magkatrabaho, nagre-recover mula sa pinagdaanan nilang hirap noong pandemya.

Ito pong makikita niyo ay mga istorya ng mga totoong tao, istorya ng bawat Filipino from 80 plus years old na lola na nagtatrabaho pa rin, nagpapadyak ng side car. Mula roon papunta sa mga minors, mga batang nasa 10, 11 years old na nagbebenta na sa mga jeep. Single mothers na may sakit ang mga anak na nagsusumikap para maipagamot sila. Sa mga OFWs po, mga bayani natin na talagang marami ring pinagdadaanan. Mga PWD (person with disability), mga kababayan natin na nagtatrabaho kahit may kapansanan at nagsusumikap pa rin. Itong show na ito ay para po sa lahat ng iyon, anuman ang estado mo, background mo.”

Ang Dear SV ay hindi lang magbibigay ng isang beses kundi pangmatagalang tulong para sa mga kababayan nating mahihirap na nagsisikap.

Mapapanood ang Dear SV simula sa Pebrero 18, 7:30 p.m. sa CNN Philippines.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Robbie Jaworski Andres Muhlach

Robbie Jaworski pantapat ng ABS-CBN kay Andres Muhlach ng TV5

HATAWANni Ed de Leon UY pumasok pala sa ABS-CBN si Robbie Jaworski, anak nina Dudot Jaworski at Mikee Cojuangco na mukhang …

Dominic Pangilinan Paul Singh Cudail Ako Si Juan

Direk Paul Singh Cudail, balik pelikula via ‘Ako Si Juan’

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGSIMULANG maging direktor ng pelikula Paul Singh Cudail noong 2011. …

BingoPlus Miss Universe 1

BingoPlus Stands as the Official Livestreaming Partner in the Philippines for the 73rd Miss Universe

BingoPlus, your comprehensive entertainment platform in the country, is proudly supporting the upcoming 73rd Miss …

Tom Rodriguez

Tom sa pagkakaroon ng anak: Napakasarap palang maging isang ama

RATED Rni Rommel Gonzales NAPAKAGWAPO ng anak ni Tom Rodriguez. Very proud siya na ipinakita mismo …

Lala Sotto-Antonio MTRCB ICC

Responsableng Panonood ng MTRCB pinuri sa ICC, Bangkok

BINIGYANG-DIIN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto-Antonio na obligasyon ng mga …