Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Carla Abellana

Carla Abellana mga barkada ang kasama sa Valentine’s day

RATED R
ni Rommel Gonzales

LITERAL na magiging malamig ang Valentine’s Day celebration ng primetime actress na si Carla Abellana dahil plano niya bumiyahe sa summer capital ng bansa, ang Baguio City.

Ito ang kinompirma nang tanungin ni Bea Alonzo ang plano niya sa February 14. Sumalang si Carla sa lie detector test, na mapapanood sa pinakahuling vlog ni Bea sa kanyang YouTube channel.

Sagot ng isa sa bida ng Voltes V: Legacy, “[Kasama ko] barkada. May trip kami ng aking barkada, so mag-Baguio kami, my gosh! Since elementary barkada. So, ‘yung aking talagang pinaka-barkada, so sila ‘yung makakasama ko for Valentine’s [Day] ‘yun ang plans.”

Na-curious din si Bea sa kung ready to mingle na si Carla matapos ang divorce nila ni Tom Rodriguez. Kaya isa sa tanong niya sa polygraph test: “Ngayong single ka na, mayroon bang nagpaparamdam o naliligaw sa ‘yo?”

Tugon ni Carla, “Okay sa nagpaparamdam muna. Oo”. Truth naman ang resulta na lumabas sa lie detector test.

Sumunod na paliwanag niya, “Sa nanliligaw, wala!”

Sabat naman ni Bea, “Pero may nagsa-slide to your DMs?”

Sagot ni Carla, “Actually, hindi, random people, ‘yun ang ibig ko sabihin, na talagang all walks of life.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …