Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Cassy Legaspi JK Labajo Darren Espanto

Cassy nagulat, walang alam sa away noon nina JK at Darren 

RATED R
ni Rommel Gonzales

IKINAGULAT namin na ni wala palang kamalay-malay si Cassy Legaspi na nagkaroon ng mainit na isyu noon kina JK Labajo at Darren Espanto.

Magkasabayan sina Darren at JK sa The Voice Kids noong 2014, pero nagkaroon sila ng alitan na may kinalaman sa “gay issue” na nagsimula sa Twitter na umabot pa nga sa demandahan noong 2018.

Pero namatay na lamang ang isyu at hindi na nalaman ng publiko kung natapos o naayos na ito.

Fast forward to 2023, si JK ay kasama ngayon ni Cassy sa pelikulang Ako Si Ninoy samantalang si Darren naman ay napapabalitang karelasyon ni Cassy although wala silang kinukompirma.

Kaya sa presscon na ipinatawag ng Philstagers Films ni Atty. Vince Tañada (writer at director ng pelikula) ay inusisa namin si Cassy tungkol dito matapos ang panel interview.

At iyon na nga, hindi alam ni Cassy na may isyu sa dalawang binata.

“Hindi ko alam, deadma lang ako. That I don’t know.

“Kami ni JK, we’re friends ever since before pa kaya I already know him.”

Hindi siya makikialam kung anupaman.

“Maging daan? Ha? Hindi ko nga alam ang issue na ‘yan.

“At saka siguro huwag na lang kasi I’m not part of that. Siguro no na, kasi I feel lang it should come from his end if he wants to open up.”

Never nilang napag-usapan ni JK o ni Darren ang isyu.

On a lighter note, dahil musical film, bilang singer ay todo ang suporta ni Darren kay Cassy.

“Because Darren is also in a musical sa kabila, when he heard it was a musical, nagulat din siya na, ‘Really, you accepted the role?’

“Pero nagulat lang siya because he knows na super mahiyain ako in terms of singing, I’m super shy and we’re super close.

“Sabi niya, ‘If you need help, you can always ask me.’ Kasi siyempre, ‘yung ano [project] niya is a musical also.”

At dahil na-enjoy ni Cassy ang paggawa ng pelikula, game siya na muling gumawa ng isa pang musical project.

“What I did was I really practice. I did the recording. I do asked for help. It was a fun experience,” nakangiting sinabi pa ng Sparkle actress.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Angelica Panganiban Four Sisters and a Wedding

Angelica bubog ang Four Sisters and a Wedding

SA wakas binigyang linaw na ni Angelica Panganiban ang pelikulang tinanggihan niya noon na hanggang ngayon ay …

MMFF MMDA

MMDA pumagitna pagdaraos ng advance screening ng 8 entries

PUSH NA’YANni Ambet Nabus TAMA naman ang naging solusyon ng MMDA na mangialam sa pagdaraos ng advance …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Sylvia sa I’m Perfect: Hindi namin ‘to ginawa para magpasikat

MATABILni John Fontanilla DREAM come true para sa producer ng Nathan Studios, Sylvia Sanchez na gawin ang pelikulang I’m …