Sunday , December 22 2024
Marian Rivera Dingdong Dantes Rhea Tan Beautederm 2

Beautederm ambassadors nagsama-sama sa unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters 

MATABIL
ni John Fontanilla

BILANG paghahanda sa ika-14 anibersaryo ngayong 2023, binuksan kamakailan ng Beautéderm Corporationang taon sa isang pagtitipon na minarkahan ang unveiling ng Beautéderm Corporate Headquarters ang sister company ng brand–ang Beauté Beanery.

Sa humigit na isang dekada, nakuha ng Beautéderm ang tiwala ng milyon-milyong  loyal consumers bilang isang industry leader sa larangan ng beauty at wellness dahil sa mga ‘di mabilang na mga produkto nito na ngayon ay maituturing nang daily essentials na kinabibilangan ng skin at body care; vitamins at health boosters; home fragrances; mga patented merchandise; at marami pang iba.

Ang business model ng kompanya ay nilikha ng founder nito, ang President at CEO na si Rhea Anicoche-Tan, para mabigyan ang mga consumer ng mga life-changing products na siyang tutulong sa kanila upang makuha ang lakas ng loob na ma-maximize ang kanilang full potential bilang mga indibidwal habang binibigyan naman nito ang mga reseller, distributor, at franchisee ng pangmatagalang kabuhayan na magbibigay sa kanila ng financial independence na mamuhay ng masagana kasama ang kanilang mga pamilya at mga mahal sa buhay.

Sa loob ng halos dalawang taon, sa pamumuno ni Anicoche-Tan, ang buong team ng Beautéderm ay masusing nagplano ng disenyo at pagpapatayo ng Beautéderm Corporate Headquarters sapagkat layunin nito na maging base of operations ang kompanya at maging isang premier lifestyle venue sa Angeles City, Pampanga.

Sa building matatagpuan ang corporate operations ng kampanya at ang iba pang mga negosyo na bahagi ng Beautéderm Group Of Companies gaya ng luxury store na A-List Avenue, na nagbebenta ng mga high-end fashion brands; BeautéHaus, na isa sa mga pangunahing aesthetic clinics sa Northern Luzon; AK Studios, na isang state-of-the-art studio na angkop para sa mga photo shoot at video productions; at ang Beauté Beanery na itinuturing bilang poshest fusion restaurant at café sa Angeles City ngayon.

“Pet project ko ang Beauté Beanery at malapit ito sa puso ko,” sabi ni Anicoche-Tan. “I’ve always wanted to run my own restaurant that reflects my love for excellent service and good food. Bagong endeavor ito at talagang very passionate ako rito.”

Present sa grand ribbon cutting ng Beauté Beanery ang ilan sa mga brand ambassador ng Beautéderm gaya nina Lorna Tolentino, Darren Espanto, Korina Sanchez-Roxas, Anne Feo, Alynna Velasquez, Ynez Veneracion, Boobay, Jane Oineza, DJ Cha Cha, at Sylvia Sanchez. Nakasama rin nila ang Movie Queen na si Bea Alonzo sa opisyal na unveiling ng building na dinaluhan ng mga VIP ng Angeles City at mga opisyal ng lokal na gobyerno gayundin ang mga kaibigan mula sa media na kompletong sumuporta sa pagdiriwang ng espesyal na milestone na ito.

“Beautéderm Corporate Headquarters is truly a dream come true,” payahag ni  Anicoche-Tan.

“Each person who ever believed and continue to believe in my vision to contribute a beautéful difference in this world has impacted every brick, metal, and stone of this building. Hindi ko ito nagawa mag-isa – madami ang tumulong sa akin. I dedicate this to all our consumers not only here in the Philippines but around the world as well, to my hardworking staff, to my brand ambassadors, and to all our resellers, distributors, and franchisees. Together, we are ready more than ever, to face the promises of the coming years anew with all our hopes and dreams.”

About John Fontanilla

Check Also

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

Enrico Roque

Paghuli kay Mayor Roque nakabibigla

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SOBRANG shock din ang mga nakakikilala kay Pandi, Bulacan Mayor Enrico …

Bobby Garcia

Theater director Bobby Garcia pumanaw sa edad 55

PUSH NA’YANni Ambet Nabus PUMANAW na rin at 55 years old ang kilalang stage actor-producer-director …

MMFF50

Sampung pelikula para sa MMFF50, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ILANG araw bago ang Kapaskuhan, inilabas na ng Movie and …

MMFF 2024 MTRCB

Mga pelikula sa MMFF, binigyan ng angkop na klasipikasyon ng MTRCB

INILABAS na ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) ang angkop na klasipikasyon …