Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Paolo Contis Yen Santos

Paolo sa relasyon nila Yen: Public should not care about

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

WHAThat you see is what you get.” Bahagi ito ng sagot ni Paolo Contis nang maurirat ang ukol sa relasyon nila ng inili-link sa kanyang si Yen Santos.

Wala pa rin kasing pag-amin kapwa sina Paolo at Yen sa tunay na estado ng kanilang relasyon kaya naman marami ang gustong makaalam kung ano na nga ba  mayroon silang dalawa. 

“Wala. Walang official na ano. Wala na akong ina-anong official. Alam mo, what you see is what you get, I think.

”I’m okay. Ang sa akin lang maraming mga bagay na para sa akin ‘yung public should not care about. ‘Yun lang ang sa akin,” ani Paolo sa isang interview.

Sinabi pa ni Paolo na hindi siya naapektuhan ng sobrang pambabatikos sa kanya noong naghiwalay sila ni LJ Reyes lalo’t ang sinasabing dahilan ay ang pakikipagrelasyon niya kay Yen.

“Hindi ako naapektuhan. They have nothing to do with my life,” anito.

“Yung mga kailangan kong harapin are very private and I will fix it privately.

“For some reason, feeling kasi ng mga tao kailangang pang i-post mo sa social media ‘yon na ‘yung complete truth.

“Kapag hindi mo i-post, hindi nangyayari, ‘di ba? If you don’t post it, it never happened. ‘Yon ‘yung tingin ng mga tao ngayon so let them enjoy that,” sambit pa ng Kapuso actor.

“Ano kasi siya, eh, mentally, kailangang alam mo kung sino ‘yung mga taong nagma-matter. I did bad things, yes, alam ko ‘yon. Pero hindi sa tao, hindi sa tao.

“Bakit ako magso-sorry sa tao? Hindi naman sila…wala naman silang kinalaman sa nangyari, ‘di ba? Kung mayroon man akong kailangang hingan ng tawad, kung may kailangan man akong harapin, sila ‘yung directly involved doon sa issues. And I will fix that privately.

“Hindi naman ako katulad ng iba na kailangan ko mag-picture nang umiiyak ako. Tapos ipo-post with caption na, ‘Crying.’

“Hindi ko tinitira o sinisisi ‘yung ibang artista na mga ganoon kasi kaya nila ‘yon. Pero I just think we also have to control it, kung ano ‘yung isini-share namin sa publiko,” sabi pa ng aktor.

Mas nasaktan si Paolo nang kausapin siya ng kanyang ina. Pag-amin niya, “Ang masasakit sa akin is when my mom talked to me. To be honest, when Nay Lolit (Solis)…kaya nga siya nasama sa apology ko, eh, sa totoo lang.  

“’Yun ‘yung masakit sa akin, ‘yung nasaktan ko ‘yung mga taong mahal ko, my brother, even my sister-in-law. ‘Yan ‘yung mga naapektuhan sa mga nangyaring masama sa akin.

“Hindi ito normal. I mean, kung mahina kang tao, mahina ang loob mo, you will get very affected,” sabi pa ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …