Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Scam fraud Money

Sa takot sa asawa na malamang na-scam
GINANG NAGTANGKANG MAGPATIWAKAL

NAGTANGKANG magpatiwakal ang 32-anyos na ginang sa pamamagitan nang pagtalon sa isang footbridge dahil umano sa takot nitong malaman ng kanyang asawa na nabiktima siya ng scam kamakalawa sa Paranaque City.

Nasa Taguig-Pateros District Hospital ang biktimang si Emilyn Andaya, ng 49 Paraiso Street, Barangay Upper Bicutan, Taguig City, nagkaroon ng fracture ang dalawang  braso nito, kaliwang hita at tuhod.

Sa imbestigasyon ng Paranaque City Police, nakatanggap umano ng text message mula sa cellphone number 09664778848, na nanalo siya ng halagang P20,000.00.

Natuwa naman si Andaya at ayon sa nag-text sa kanya bago nya matanggap ang perang napanalunan kailangang nya munang magpadala ng P2,000 sa pamamagitan ng G-cash.

Agad namang nagbigay ito ng halagang P2,000 pero makalipas ang ilang oras ay hindi niya natanggap ang sinasabing napanalunang cash na P20,000.00.

Tinawagan nito ang cellphone number na nagtext sa kanya at sinabihan si Andaya na ipadala nito ang kanyang facebook account at batay naman sa scammer gamit ang facebook account name ng isang Nelson Revillame.

Ibabalik lamang ang halagang P2,000.00 na kinuha sa kanya kung magpapadala ito ng hubad niyang litrato.

Sa takot ng ginang na malaman ng kanyang mister ang sinapit niya, ala-1:30 ng hapon nang magtungo ito sa Bicutan Footbridge sa San Martin De Porres, Paranaque City at  saka ito tumalon.

Kaagad namang dumating ang rescue team at isinugod sa nabanggit na ospital ang ginang. Sa ngayon ay iniimbestigahan ang nangyaring insdente at patuloy na hinahanting ang suspek ng mga  awtoridad. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Earl Amaba Krystel Go Sylvia Sanchez Sigrid Andrea Bernardo Im Perfect

Earl Jonathan at Anne Krystel naging ‘Anghel’ ni Sylvia 

ni Allan Sancon ISA sa mga pinakatumatak na pelikulang kasali sa 51st Metro Manila Film Festival ngayong …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …

Bulacan Sineliksik Met

Bulacan WWII docu films take spotlight at ‘Kasaysayan sa MET’

CITY OF MALOLOS — In commemoration of the 80th anniversary of the Philippine liberation from …