Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lexi Gonzales Gil Cuerva

Lexi Gonzales inamin relasyon kay Gil Cuerva

RATED R
ni Rommel Gonzales

UMAMIN na si Lexi Gonzales na may relasyon na sila ni Gil Cuerva.

Naganap ang pag-amin ni Lexi sa latest podcast episode ng Updated with Nelson Canlas na tinanong ni Nelson kung nandiyan pa rin ang masugid na manliligaw ng aktres.

Well, hindi na siya manliligaw ngayon. He’s on a… mas mataas na ‘yung level niya.”

Inamin ni Lexi na boyfriend na nga niya si Gil.

Ano ang mga katangian na nagustuhan niya kay Gil?

Persistent siya. Hindi siya ‘yung the type na… kasi tayong mga babae minsan, aminin na natin kahit minsan ang ibig sabihin natin yes, sasabihin natin no, ayoko, no. Pero hindi siya mag-stop sa ganoon. Talagang masugid siya, talagang hindi siya titigil hangga’t hindi niya nakukuha sa akin ‘yung gusto ko sabihin.

“Pero ngayon we’re working on… siyempre kapag kayo na talaga riyan na ‘yung dapat maayos ‘yung communication. Hindi na puwede ‘yung, no means yes or yes means no, ‘di ba?

 “Genuine siya. He’s really smart and he takes the extra effort to guide me– I mean to teach me things kasi I’m younger. 

“Parang madalas naman niyang sinasabi sa akin ‘yun. So he’s really there to help me. And not just that, but also someone I can really rely on.”

Samantala, napapanood sina Lexi at Gil sa Underage tuwing Lunes hanggang Biyernes, 4:25 p.m., sa GMA Afternoon Prime.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …