Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Wanted: Mario Dela Cruz ( Dead or Alive ) (Part 13)

SA IBABAW NG TULAY HUMINTO ANG JEEP AT YAYARIIN SI MARIO NG 3 PARAK

Kontra-bida ang dating ni Major Delgado sa mga kabarong gaya ni Kernel Bantog. Maaaring ipagtaas ng kilay ng marami kung paanong hindi ito nahawa sa kabulukan ng mga bulok na kasamahan sa kinabibilangang ahensiya.  Napanatili kasi nitong malinis ang pangalan sa mahaba-habang panahon ng panunungkulan.

Ipinatawag ni Sarge kay Punggok ang dalawa nitong tauhan sa videoke bar sa makalabas lang ng compound ng  himpilan ng pulisya. Malagihay na ang dalawang “pulgas” ni Sarge.

“Palilitawin natin na nagtangkang tumakas,” bahagi ng instruksiyon ni Sarge sa mga bagitong pulis. “Tapos, sasabihin natin sa press na suspek sa serye ng rape-slay ang dinampot natin.”

“Yes, Sir!”

Inilabas si Mario ng tatlo sa seldang kinapipiitan.

“S-sa’n n’yo ‘ko dadalhin?” naitanong niya nang isalya ni Sarge sa pagsakay ng dyip.

“Gabing-gabi na,” ang maagap na sagot ni Sarge na gumitgit kay Mario sa harap na upuan ng sasakyan.  “Oras na para mamahinga ka!”

Pinagitnaan si Mario ni Sarge at ng kasama nitong nasa harap ng manibela. Lalong kinabog ang dibdib niya sa naulinigang impit na hagikgikan ng dalawang bagitong pulis.

Sa ibabaw ng kongretong tulay tumigil ang sasakyan. Mistula nang inapuyan ang puwit ni Mario sa pagkakaupo.  (Itutuloy bukas)

Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …