Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
arrest prison

2 notoryus na holdaper kinilala ng biktima

KULUNGAN ang binagsakan ng dalawang lalaki na nahuli at nadiskubreng miyembro ng isang criminal syndicate nang inguso ng babaeng hinoldap ng mga suspek, sa Makati City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Southern Police District P/Brig. Gen. Kirby John Kraft ang mga suspek na sina Michael Lutas, 25, at Willy Olivarez, 24.

Sa isang video, itinuro ng biktimang si Lesley Ann, ang dalawang lalaking dinakip na siyang nangholdap sa kaniya sa panulukan ng Chino Roces Avenue at Yulo St., Barangay Bangkal, Makati City dakong 11:00 pm nitong 4 Enero.

Ang dalawang suspek ay natuklasang miyembro ng Rowel Turtosa Robbery Holdup Group nang beripikahin sa Intelligence Section ng Makati City Police Station.

Inireport ng biktima sa mga awtoridad, lulan ng MC 2904, ang insidente ng panghoholdap ng dalawang lalaki na sakay ng isang itim na Yamaha Mio, nang siya ay tutukan ng di-batid na kalibre ng baril.

Nang baybayin ang direksiyon ng tumakas motorsiklo, namataan ang dalawa na akma sa deskripsyon ng biktima kaya pinahinto at hiningan ng dokumento ng sasakyan sa hindi pagsusuot nila ng helmet .

Imbes tumigil mabilis na pinasibad ang motorsiklo ngunit agad na nahuli sa panulukan ng Capinpin at La Guardia streets sa Brgy. Bangkal.

Nakuha ang 9mm Armscor pistol, may pitong bala,  at kinompiska rin ang MIO 125 motorcycle (MV-File No. 1380-09756102), isang Oppo A37M, at isang Techno Spark android phone. (GINA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jaja Garcia

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …