MATABIL
ni John Fontanilla
NAGING abala noong nakaraang taon ang award winning RNB singer sa bansa na si Kris Lawrence.
Kahit nandyan pa rin ang pandemya ay sunod-sunod ang naging gigs ni Kris sa bansa at maging sa ibang bansa.
Tsika ni Kris, “Lucky year ko pa rin ang 2022 dahil kahit may pandemya ay masuwerte pa rin ako dahil sa sunod-sunod na shows sa bansa at sa ibang bansa.
“And this year may 6-8 songs akong ire-release. Excited ako kasi 2019 pa last release ko ng songs, kaya super excited ako dahil at last makakapag-release ulit ako ng songs ko at lahat ‘yun puro original songs.
“Pero as of now ‘di ko pa pwede sabihin ‘yung label, but I am signing with a new one ngayong January.
“Hopefully this year mas maring projects ang dumating sa akin and sana mag hit ‘yung ilalabas kong songs,” pagtatapos ni Kris.