Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Joaquin Domagoso Raffa Castro baby

Anak ni Yorme na si Joaquin ibinida ang bibong anak

MATABIL
ni John Fontanilla

ALL smile ang lead actor ng international awardwinning movie na That Boy In The Dark na si Joaquin Domagoso habang nagkukuwento kung gaano ka-bibo ang kanyang anak na si Scott Angelo Domagoso.

Tsika ni Joaquin sa mediacon ng That Boy In The Dark kamakailan, “He’s not shy at all. Kahit sino nakita niya, ngingiti ‘yan. Manang-mana sa daddy niya,” nakangiting pagbabahagi ng batang aktor sa kanyang anak. 

At nang matanong ito na baka namana ni Scott Angelo ang kabibohan nito sa kanyang lolong si Yorme Isko Moreno ay mariin naman nitong sinabi na sa kanya nagmana ang anak, “Hindi! sa akin. Daddy talaga ‘yun. Ako talaga ‘yung bibo eh. ‘Yung baby ko, laging nakangiti.”

Samantala, excited na si Joaquin sa nalalapit na pagpapalabas sa mga sinehan ng kanyang pinagbibidahang pelikulang That Boy In The Dark na nagbigay sa kanyang ng ilang best actor award sa iba’t ibang award giving bodies sa buong mundo.

Kaya naman super promote ito ng nasabing movie na mapapanood na sa mga sinehan nationwide simula January 8, 2023.Makakasama nito sina Glydel Mercado at anak na si Aneeza Gutierrez, Lotlot de Leon, Ramon Christopher, Nanding Josef, at Kiko Ipapo, mula sa direksiyon ni Adolf Alix Jr..

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About John Fontanilla

Check Also

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …

Rabin Angeles Angela Muji A Werewolf Boy Crisanto B Aquino

Rabin at Angela pinuri ng direktor at co- star 

MATABILni John Fontanilla PAPURI ang mga binitawang salita ng mahusay na director na si Crisanto B  …

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

Janah Zaplan

Gen Z singer Janah idinaan sa kanta saloobing politikal

HARD TALKni Pilar Mateo SA Canada magpa-Pasko ang singer na eh, piloto pa, si Janah Zaplan kasama …

Bar Boys 2

Will, Emilio, Therese, Klarisse, Bryce, Sassa,at Benedix dagdag barkada sa Bar Boys After School

ni Allan Sancon TODO-ABANG ang moviegoers sa pagbabalik ng barkadang abogado sa Bar Boys After School, …