Tuesday , April 15 2025
CAAP

Sa PH airspace shutdown,
DUTERTE ISALANG SA P10.8-B UNTRANSPARENT LOANS NG CAAP

DAPAT managot ang mga responsable sa naganap na PH airspace shutdown noong Linggo, kasama si dating Pangulong Rodrigo Duterte, ayon sa Bayan Muna.

“Heads must roll starting with Pres. Duterte who spent P10.8 billion in untransparent loans on CAAPs Communications Navigation Surveillance Air Traffic Management (CNS ATM) in 2018,” sabii ni Neri Colmenares, tagapangulo ng Bayan Muna.

               Ang kahina-hinala at malabong pahayag aniya ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na isang teknikal na isyu sa navigation system, at ang kabiguan ng backup system na sumipa ang dahilan ng airspace shutdown ay nagpapakita ng lubos na kawalan ng pamahalaan ng kakayahan upang matiyak ang pampublikong transportasyon.

“The solution should have been more government spending on efficient public transport but negligence and privatization spelled doom on any effort for an efficient and affordable transport system. This breakdown can now be used by Pres. Marcos as a justification to pursue Pres. Duterte’s disastrous program of privatization,” ani Colmenares.

“There must be accountability among those responsible or the Philippines will surely go the way of failed states — a complete breakdown of accountability in the midst of a rudderless government,” giit niya.

Sinabi ng opisyal ng Bayan Muna, ang plano ng gobyerno na isapribado ang NAIA ay titiyakin ang pagkawala ng isa pang pangunahing pag-aari ng gobyerno at pagtaas ng gastos sa transportasyon na higit sa kaya ng mahihirap.

Binigyang-diin ni Colmenares, hindi na dapat maulit ang abala sa mga pasahero at dapat ay mabayaran sila batay sa Airline Passengers Bill of Rights.

“But from the reports we received, many passengers went hungry yesterday and others slept on airports. This should be addressed immediately and the incident should not be used to justify another sale of government asset and increase in airline rates,” ani Colmenares. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Arron Villaflor

Arron Villaflor hangad maging boses ng mga kabataan ng Tarlac

MATABILni John Fontanilla TULOY-TULOY na ang pagpasok sa politika ni Arron Villaflor, na tumatakbo bilanh Board …

Bea Alonzo Tom Rodriguez

Bea nagpaiyak sa Magpakailanman 

RATED Rni Rommel Gonzales BIGATIN ang cast ng pre-Holy Week presentation ng Magpakailanman sa pangunguna ni Bea Alonzo. …

BBM Bongbong Marcos TIEZA

TIEZA pinarangalan mga Bayani ng Digmaan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IPINAGMAMALAKI ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA), sa pamamagitan …

Lauren Mercado Pickleball Power Tour

Mercado Pickleball Power Tour

IPINAKITA ni Lauren Mercado, 17 anyos, Filipino-American Las Vegas based talent Pickleball pro champion sa …

Krystall Herbal Oil

Heat stroke, haplos ng Krystall Herbal Oil kailangan para init mailabas sa katawan

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …