MATABIL
ni John Fontanilla
BONGGA ang Viva Films entry sa Metro Manila Film Festival 2022, ang Deleter na pinagbibidan ni Nadine Lustre dahil simula nang magbukas ito sa mga sinehan ay laging sold out sa SM North Edsa Cinema.
Ayon sa tiketera at mga guard ng SM North Edsa Cinema, “Sir, umaga pa lang po sold out na ang tickets ng ‘Deleter,’ bukas agahan niyo na lang pumunta o kaya bili kayo ng advance ticket para sure na makakapanood kayo.”
Number one nga sa SM North Edsa Cinema ang Deleter at tanging pelikula na nagso-sold out. Bukod pa sa halos lahat ng nakapanood na ng pelikula ang nagsasabing maganda ito at napakahusay ni Nadine.
Mukhang masuwerte nga si Nadine sa pagtatapos ng taong 2022, dahil bukod sa paghataw sa takilya ng kanyang pelikulang Deleter, tatlong parangal din ang natanggap niya, ang Outstanding Actress & Businesswoman sa Best Magazine Faces of Success; Best Pop Album sa 2022 Star Awards for Music; at sa Aspire Magazine Philippinesbilang isa sa Inspiring Men and Woman of 2022.